BILANG paghahanda sa nalalapit na 30th Southeast Asia Games, sasabak ang National archery team sa Asia Cup Leg 3 na gaganapin sa Parade Grounds ng New Clark City sa Pampanga.

Sina Luis Gabriel Moreno, Florante Matan, Jason Feliciano, Carson Hastie (Men’s recurve), Kareel Meer Hongitan, Pia Elizabeth Bidaure, Gabrielle Monica Bidaure at Phoebe Amistoso (Women’s Recurve) ang pambato ng bansa sa torneo.

Kung saan makakatuwang nila Sina Paul Marton dela Cruz, Johann Olano, Arnold Rojas and Roberto Badiola (Men’s Compound) kasama sinaJennifer Chan, Andrea Robles, Rachelle dela Cruz, Abigail indugan (Women’s Compound).

Makikipag-tunggali ang national team members sa 10 bansa bilang test event bago ang biennial meet.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sisikapin ng Nationals na makaporma sa Recurve at Compound events matapos na mabigo sa kanilang naunang pagsabak sa Asia Cup Leg 2 na ginanap sa Taiwan sa nakalipas na buwan.

Makakaharap ng Team Philippines ang mga mga bansang Chinese Taipeh, Malaysia, Thailand, Singapore, Myanmar, Hongkong, China, Pakistan, Bangladesh,Saudi Arabia at Australia.

-Annie Abad