DINUMOG ng madlang pipol ang premier night ng pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na ginanap nito lang Lunes ng gabi sa Cinema 1 of SM Megamall, super trapik at malakas ang ulan kung kaya siguro nahuli nang dating ang tatlong bida ng said movie na sina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E., kasama ang kanilang Director na si Al Tantay na isa rin actor tulad nila.

EDDIE GARCIA

Sa dami ng tao ay ilang celebrities lamang ang nakunan ng photo ops ni yours truly tulad nina Patricia Javier na kasama rin sa SSS, beauty queen Ali Forbes, comedian Eric Nicolas, Ronaldo Valdez na Erpie ni Janno Gibbs in real life. Sina Shalala Reyes at Gary Lim naman ang nagsilbing hosts sa nasabing premiere night bago pa kami pinapasok sa loob ng sinehan.

A n g naturang ganap ay tipong tribute na rin ng Viva Films sa namayapa nang actor na si Eddie Garcia (SLN) na kumbaga ay last movie na niya pala kung kaya’t sa unang eksena nito sa SSS ay may mga pumalakpak including us kasi parang buhay na buhay pa rin ang isang Eddie Garcia at astig na astig pa rin ang kanyang arrived sa big screen.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Pumanaw siya nu’ng June 20, 2019 sa edad na 90 dahil lamang sa hindi sinasadyang aksidente sa isang shooting or taping nito.

Sa saglit na interview nang ilang invited press ay nasabi ni Janno na bittersweet ang pakiramdam nila nina Dennis at Andrew dahil sa pagpanaw ng isa sa mga actor na kanilang hinahangaan at nirerespeto.

“ F o r u s , bittersweet n a l a s t m o v i e niya, eh, na kasama kami. Kung gusto mo na makita sa last movie si Tito Ed, perfect ito, in his element siya, lovable kontrabida. Doon natin siya nagustuhan, ‘di ba? Funny kontrabida,” sey pa ni Janno.

Kung sabagay, totoo naman. Hahangaan mo ang isang Eddie Garcia sa markado niyang role sa showbiz bilang character actor at sa magaling niyang diction or pananalita.

Niwey, ang pelikulang Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo ay isang laugh out loud movie na nakakaalis ng stress, nakakaaliw at nakakatuwa lalo na ang mga dialogue ng bawa’t isa sa cast nang nasabing pelikula. Laughing trip ang halos bawa’t eksena sa true lang.

Ito ang first mainstream movie directorial job ni Al Tantay kaya puwede namin sabihing…”Good job, AL Tantay…congrats at movie projects pa more!”

-MERCY LEJARDE