IPINAGKALOOB kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang parangal bilang ‘Godfather of Philippine Sports’ sa 2nd Siklab Awards Lunes ng gabi sa Market, Market Activity Center sa Taguig.

PAKNER! Nagkakasalubong na ang mga mata ng mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC), sa pamumuno ni Bambol Tolentino (kaliwa) at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch Ramirez sa ginanap na Inter-Agency meeting para sa paghahanda ng 30th SEA Games hosting. (PSC PHOTO)

“Huwag kayong magsawang mangarap at ituloy ang inyong pangarap. Ako ay lagi lamang nakasuporta sa inyong mga gagawin upang maging matagumpay. Sapagkat ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng ating bansa,” mensahe ni Ramirez sa mga natatanging batang atleta na tulad niya ay pinarangalan sa Gabi ng Parangal na itinataguyod ng POC-PSC Media Group sa tulong ng Phoenix Petroleum Philippines.

“Ito ay gabi ng pagkilala sa inyong natatanging galing at pagpupursigi na magwagi at magtagumpay,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod kay Ramirez, tumanggap din ng parehong parangal si Jeremy Go na founder ng Go for Gold.

“I myself is an athlete too. That is why I know the hardships of fighting for pride,” sambit ni Go.

Sina Elma Muros Posadas ng athletics at Meggie Ochoa ng jujitsu ay tumanggap din ng parangal bilang mga Sports Idol of the Year.

Habang mahigit sa 30 mga junior athletes naman ang binigyang pagkilala ng grupo dahil sa kanilang ipinamalas na galing sa mga kani-kanilang sports.

-Annie Abad