HINDI naman itinanggi nina Bugoy Drilon at Daryl Ong na kailangan nilang gumawa ng paraan para maging visible pa rin sila dahil nga wala na silang regular show tulad dati na every week ay napapanood sila sa ASAP pero ngayon ay isa o dalawang beses na lang sa isang buwan o wala pa.

bugoy n daryl

Pero inunahan na nila ang media/bloggers na dumalo sa mediacon ng BND – The Best of the Nineties Decade concert na hindi masama ang loob nila na hindi na sila regular sa ASAP para bigyan ng chance ang mga baguhang singers.

Ang opinyon ni Bugoy, “kasi ‘yung format po dati ng ASAP kami-kami lang, ang kagandahan po ngayon, ‘yun ibang talent na hindi nadi-discover binibigyan nila ng spot to perform at para makita ng tao. Ang Pilipinas kasi a bargain of talents, we have a lot of talents ang kulang lang is exposure. At ngayon ‘yung ASAP, may segment silang artist na already known at may artist na sumikat sa social media, yun ang ipinapakita nila.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“More than panghihinayang the way I look at it, tinake ko siya as a challenge. I was very privilege na naging regular or part ako sa ASAP. Ever since na after ng The Voice lahat ng out of the country ng show nakasama ako, ngayon hindi na.

“So, instead na ma-disappoint o malungkot ako, tinitingnan ko siya as parang challenge na kailangan maging pro-active ka rin, hindi ka dapat umasa lang kung ano ‘yung binibigay lang din sa ‘yo.

“Like meron namang social media, merong Youtube, merong Instagram, ang daming nabuksan na online platform ngayon na venue para sa aming musicians kung saan kami maririnig ng malaking market pa rin. Kaya sa ganu’n (paraan) ko tinitingnan ngayon.

“Sige hindi ako regular sa ASAP pero hindi ako titigil na gumawa ng paraan para marinig pa rin ang music ko,” ito ang mahabang paliwanag ni Daryl.

At dahil wala nga silang regular na pinagkakakitaan kaya tinanong namin kung paano naman ang daily expenses nila.

“Thankful po kami kasi may mga corporate shows kami, out of town shows at out of the country shows malaking bagay na po ‘yun kasi sabi ko nga maraming talent sa sa Pilipinas, there a lot of singers po at thankful kasi nagkakaroon pa rin kami (imbitasyon). Gumagawa rin kami ng shows at itong BND nga,” pahayag ni Bugoy.

Samantala, tiyak na mage-enjoy ang 90’s baby dahil ang mga sumikat na kanta ng era na ‘yan ang repertoire nina Bugoy at Daryl.

“Ibang klaseng concert ito kasi first time kong magkaroon ng ka back-to-back sa isang show at first time ko ring gagawin na mag-stick sa era ng 90’s song,”saad ni Daryl.

Para kay Bugoy, “90’s music po kasi ang kinalakhan ko at the same time, sila (singers) rin ang influences ko pagdating sa music ko sina Brian McKnight, Boyz ll Men kasi patawid din sa millennial music parang ganu’n ang tunong ng millennial ngayon tulad nina Bruno Mars.”

Hands - o n daw ang dalawang singers sa mga kakantahin nilang kanta sa BND concert.

“Last week po umattend kami sa rehearsal with the band and very involved din kami sa arrangement ng songs, nagpapaka-OC (Obsessive– compulsive) talaga kami sa creativity namin hindi lang sa pagiging singer kundi ‘yung technically hindi ako tumutugtog ng instrumento pero ‘yung tenga, pareho kaming nag-arrange, ‘yung mga areglo o minus one na ginagamit niya (Bugoy) sa events, nagugulat ako na input pala niya ‘yun. Kaya ngayon gusto rin naming ma-showcase ‘yun na lahat ng nangyari o areglo sa songs na ‘yun, part kami ng process ng paggawa no’n,” kuwento ni Daryl.

At ang relasyon nang dalawa sa musical director nila na si Teddy ay, “open kami sa mga gusto naming mangyari, kapag may hindi kami nagustuhan free kaming sabihin at sinusunod niya ‘yung arrangement na gusto namin,”say naman ni Bugoy.

“And we’re blessed na nabigyan kami ng MD (musical director) na open kaming magsabi kasi usually pag medyo senior na medyo nakakatakot mag-suggest. Kaya okay na baguhan din na md kasi he’s very open and collaborative siyang mag isip when it comes to the arrangements,” sabi pa ni Daryl.

Inamin din nina Daryl at Bugoy na co-producer sila sa BND, The Best of the Nineties concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa Setyembre 14, Sabado 8PM. Sina Dido Camara ang stage director at si Teddy Katikbak ang musical director with guests Juris, Katrina Velarde, at Michael Pangilinan.

-REGGEE BONOAN