HINIYA ng Centro Escolar University ang Hazchem,126-76,upang selyuhan ang isa sa top two spot sa Group B ng 2019 PBA D-League Foundation Cup kamakailan sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Pitong Scorpions ang tumapos na may double-figure sa naturang panalo na nag-angat sa kanila sa malinis na markang 5-0.

Muling pinamunuan ng Senegalese slotman na si Malick Diouf sa ipinosteng 19 puntos, 21 rebounds, at 7 blocks ang nasabing panalo na nagbigay sa kanila ng twice-to-beat advantage sa playoffs.

Ang iba pang tumapos na may double digit para sa Scorpions ay sina Dave Bernabe na may 19 puntos, 6 rebounds, 3 assists, at 2 steals, Kyle Sunga na may 17 puntos, 5 assists, at 4 na rebounds, Franz Diaz na may 14 puntos, Bling Murillo at Jerome Santos na may 12 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“That’s what we’re looking for: the top two and having the twice-to-beat advantage,” pahayag ni CEU coach Derrick Pumaren.

Umabot sa 53 puntos ang lamang ng CEU(124-71) na naglarong wala ang may sakit na si Rich Guinitaran matapos ang isang dunk ni Bernabe may 1:24 pang oras na nalalabi sa laro.

Pinangunahan naman ni Raymark Matias na nagposte ng 17 puntos para sa Hazchem, bumagsak sa ika-4 na sunod nilang kabiguan na nagbaba sa kanila sa markang 1-4.

Nauna rito, inangkin ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare ang top seed sa Group B matapos durugin ang Black Mamba, 161-122.

Namuno si Malian big man Mohammed Pare para sa Saints sa ipinoste nitong 31 puntos at 19 rebounds.

Sa naturang panalo, naitala ng BRT Sumisip-St. Clare ang most points sa league history sa itinala nilang 161, na bumura sa dating 144 na itinakda ng Hyperwash sa panalo nila kontra McDavid-La Salle Araneta noong Agosto 19.

Ang iniskor na 95-puntos ng Saints sa second half ay bumura naman sa dating 83 puntos na itinala ng Tanduay sa 141-65 na panalo konyra sa Zark’s noong Hulyo 10, 2017, habang pinantayan ng kanilang 53 puntos sa fourth quarter ang itinala ng Rhum Masters na third quarter output sa 113-71 panalo nito kontra Gamboa Coffee noong Hunyo 27, 2017 para sa most in points in a single period.

-Marivic Awitan

Iskor:

CEU (126) -- Diouf 19, Bernabe 19, Sunga 17, Diaz 14, Tuadles 13, Murillo 12, Santos 10, Tagal 7, Abastillas 6, Escalona 5, De Ocampo 4.

HAZCHEM (76) -- Matias 14, Moraga 11, Glorioso 9, Ynion 8, Elmejrab 7, Trinidad 7, Adviento 5, Caparida 4, Arellano 3, Mendez 3, Acain 2, Daguplo 0, Serrano 0.

Quarterscores: 32-15, 60-26, 90-51, 126-76.

Mga laro bukas

(Ynares Sports Arena)

1:30 n.h. -- Asia’s Lashes vs iWalk

3:30 n.h. -- Hazchem vs AMA

5:30 n.h. -- Italiano’s Homme vs Hyperwash