SA Q and A ng Megasoft, para sa renewal of contract ng Hashtag member na si Ryle Santiago, naupo rin sa presidential table ang stepfather niya na si Chris Tan, dating PBA star player who’s acting as his manager sa pagpirma nito ng panibagong contract sa Megasoft Hygienics nitong Sabado ng tanghali, sa Oriental Palace sa Tomas Morato, Quezon City.

ryle

Si Chris ang tumatayong stepdad ni Ryle subali’t ang kanyang biological father ay si Railey “Jun Jun” Santiago.

Ang chika , ma t aga l na umanong nagkakaroon ng kalituhan kung Ryle Tan o Ryle Santiago ba ang gagamiting screen name ng nasabing Hashtags member.

Tsika at Intriga

Andrea, aminadong may mga 'nagpaparamdam' manligaw pero nililigwak

Gusto kasi ni Ryle, na Tan ang gamitin, pero hindi pumayag ang tunay niyang ama na i-drop ang apelyidong Santiago.

Sa ngayon, Ryle Santiago ang tawag sa binata, pero Tan ang ginagamit nitong surname sa social media accounts niya.

S i n a b i h a n naman ni Chris si Ryle na Santiago na ang gamitin sa lahat dahil iyon ang legal name nito.

Sinubukan kasi nilang ipaalam kay Junjun na i-adopt na ni Chris si Ryle, para dala na ang apelyidong Tan, pero hindi payag ang biological dad ni Ryle.

Ang sabi ng anak ng dating aktres na si Sherilyn Reyes, “Hindi niya ako pinayagan, nainis ako. So, sa mga social media ko, ginamit ko ang Tan.

Pero sa mga legal documents, gamit ko, Santiago. Iniintindi ko na lang. Nag-decide ako na magpa-tattoo ng Tan, at least, kahit somewhere, bitbit ko yung pangalan,” paliwanag ni Ryle.

Nasa may left hand ng binata malapit sa pulso ang nasabing tattoo.

“Si Daddy [Chris] yung nagpalaki sa akin, e. Hindi ko ikinakahiya na Santiago ako, pero pinalaki ng Tan. By blood and my heart and my mind, Tan ako. But my legality, I’m a Santiago.”

Hindi rin naman kaila ang relasyon ni Ryle s a k any ang ama . Na n d i y a n a n g sama ng loob, though open naman umano ang aktor na m a k i p a g - ayos.

“ P a r a s a a k i n , s iguro s iya naman, kasi wala naman akong ginawa. Naipit lang naman ak o sa crossfire. Ak o p a b a yung gagawa ng paraan para makipag-ayos? I’m not saying na hindi kami maging okay. I’m just saying na show me naman na okay tayo,” giit pa ng Hashtags member na ngayo’y 20-anyos na.

“Wala naman akong kinalaman, bakit ako ang pine-perwisyo, di ba? Huwag akong idamay sa gulo ng mag-ex,” ang diretsong pahayag ni Ryle.

Paglilinaw naman ni Ryle, okay siya sa mga tiyuhin niyang kapatid ni Junjun. Close siya sa Tito Rowell at Tito Randy na nakakasama niya sa It’s Showtime. Bihira lang daw sila magkita ng Tito Raymart niya.

Nang matanong naman sa relasyon niya sa ama, iginiit ng binata na boss ang turing niya rito dahil nga business unit head ng It’s Showtime.

“Ang relationship lang namin talaga is employee and employer… boss,” paglilinaw niya.

Hirap ding sumagot si Sherilyn sa isyu ng mag-ama na lahat umano ay desisyon ng kanyang anak.

“Si Ryle is 20 years old. His biological father is just there. They can see each other anytime at work. So, parang feeling ko, dapat between them. Pero ang lagi naming sinasabi kay Ryle, dapat wala ka nang hinanakit or anything. Kasi siyempre, mas maganda ang flow ng blessings kapag wala ka nang hinanakit o kung ano man. Pero alam niyo, kapag nagkikita naman sila, nag-uusap naman sila nang maayos,” aniya.

“Siguro, ang sa kanya is anak ako, baka puwede mo naman akong lambingin. Siguro, ganun ang sa kanya. Pero ang alam ko, wala namang anything na hinu-hold talaga. Kasi kung ganun, dapat galit pa siya. Hindi naman. Na-mention naman niya na, siya okay na.

“I think it’s between the two of them already. Kasi with me and Ryle naman and si Chris, we’ve been honest with him from the very start. So, there’s nothing for us to hide to Ryle. Alam na niya ang sitwasyon and all.”

“ S iguro, ang maganda , magkaroon sila ng chance na makapag-usap. Kasi, yun din naman ang sinasabi namin sa kanya na kung imbitahin ka, go.

Sinabi namin na kung ano ang gusto mo, it’s up to you because that’s your life,” pagpapatuloy pa ni Sherilyn.

“Kung ano yung makapagkumpleto sa iyo, ikaw dapat. Hindi namin puwedeng sabihin na, ‘Uy! Sige na!’ E, hindi pa pala siya ready. Gusto ko lang naman na maging at peac e din s iya . I f the r e ’ s s ome t h i n g t h a t ’ s bothering him, sana, makapag-usap sila o ano,” aniya pa.

“ H e h a s something to say to him na hindi pa niya naipaparating. I think that’s easy because they see each other at work,” s e r y o s o n g p a h a y a g n i Sherilyn.

-Ador V. Saluta