LIANGA, Surigao del Sur – Isa-isang pinabagsak nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang mga karibal.

PERFECT! Winalis nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang mga nakaharap para angkinin ang Beach Volleyball Republic On Tour Gran Ola, Lianga leg title nitong Linggo. (BVR PHOTO)

PERFECT! Winalis nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang mga nakaharap para angkinin ang Beach Volleyball Republic On Tour Gran Ola, Lianga leg title nitong Linggo.
(BVR PHOTO)

Sa huling laban, pinatabo ng Petron duo ang nakaharap na sina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez, 21-13, 21-19, para makumpleto ang six-game winning streak at angkinin ang titulo sa women's division ng Beach Volleyball Republic On Tour Gran Ola, Lianga leg nitong Linggo.

Nakamit naman nina American David McKienzie at pakner na si Malaysian Raja Riazmi sina Tigers KR Guzman at Krung Arbasto, 21-12, 21-19, para masubi ang men's title.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

"It was always fun to play," sambit ni McKienzie, 2012 London Olympian.

Pinatunayan nina Rondina ang Pons ang katatagan nang maisalba ang bawat pagtatangka ng karibal tungo sa panalo na nagpatibay s akanilang katayuan bilang pinakamatikas na tambalan sa local beach volleyball.

"She is strong," pahayag ni McKienzie, patungkol kay Rondina ng Compostela, Cebu.