NAPANATILI ni Angele Tenshi Biete ang tangan na titulo sa Open Kitchen Rapid Chess tournament kilala bilang IM Joel Banawa Chess Cup isinagawa bilang pag-alaala sa namayapang kampeon bitong Sabado sa Open Kitchen, Rockwell Business Center-Sheridan, Highway hills, Greenfields District sa Mandaluyong City.

Ang Grade 8 pupil ng De La Salle Santiago Zobel School ay malakas na sinimulan ang kampanya para makopo ang korona sa Kiddies event na may natipong 6.5 points para maiuwi ang top prize P5,000 plus the championship trophy at brand new leap digital chess clock sa 20 minutes plus five seconds delay tournament sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines na pinangasiwaan ng Chess Arbiter Union of the Philippines.

Ang major backers sa one-day event ay ang Phoenix Chess Academy, Open Kitchen, Three Knights Printing Services, ChiliJuan, Otsuka-Solar Philippines Inc. (Pocari Sweat), Chairman of the board of Dreamworks Worldwide (Core of Dreams) Ms. Lyne Ramos, Mayor Dental Clinic, Mega C, Ripples Daily, PTV Sports at Community Basketball Association (CBA) Director / Founder Carlo Maceda.

“I didn’t look to defend my title, just to play my best,” sabi ni Biete na nagwagi ng two (2) gold at one (1) silver kasama na ang Candidate Master (CM) title sa 4th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Asia Hotel sa Bangkok, Thailand nitong Agosto.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Sa Juniors division, dinaig ni Justine Diego Mordido si kapwa five pointers Jayson Danday at Jester Sistoza sa tie break points para makamit ang top purse P5,000 plus championship trophy at brand new leap digital chess clock.