HUMAHANGA rin pala ang isang made nang Lea Salonga in the music industry not only here but also in Broadway sa kapwa niya singer named Rhed Tabar – isang 9 nine year-old-boy mula Davao City na naging isa sa mga contestants sa Blind Audition ng The Voice Kids Season 4 nito lang Sabado ng gabi, August 31, sa pag-rock ’n roll ni Rhed gamit ang It’s My Life ni Bon Jovi.

lea

Sa umpisa pa lang ng pagkanta ni Rhed ay napasayaw na sa kanyang kinauupuan si Lea at napa-wow ganun din naman ang dalawa pang coaches ng TVK4 na sina coach Bamboo at coach Sarah Geronimo. Pero unang pinindot ni coach Lea ang kanyang silya at masayang hinarap si Rhed.

Yesss, Salonga turned her chair and explained that it was Tabar’s confidence and stage presence that convinced her to give him a chance.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Napahanga mo ako sa ginawa mo.”

“I’m just going to have a good time with you.” Sambit pa ni Lea with matching broadway smile.

Si coach Bamboo naman ay masayang nilapitan pa si Rhed at pinaupo niya muna ang bagets sabay sabing…”Umupo ka muna. Humihingal ka pa. Woohhh, napagod ako dun, ah! Hahaha!”

Danceable naman kasi ang binirit na kanta ni Rhed sa true lang na pati kami ay napa-indak din habang pinapanood si bagets.

“Pasensya ka na Rhed hindi ako nakaikot, eh. Nahuli ako sa pagpindot ng chair. Pasensya ka na, ha. Pero ang ganda ng ginawa mong performance. Congratulations at napaikot mo agad si Coach Lea!” Sey naman ni coach Sarah, sabay na dinugtungan naman ni Coach Lea ng mga katagang…

“Rhed, congratulations, napahanga mo ako sa ginawa mo, ang tindig mo, parang professional na rock star. And then yung confidence mo, ang lakas lang ng dating mo!”

“Thank you po.” Ang tungon naman ni Rhed kay Lea.

Ang ending, si coach Lea ang pinili ni Rhed para mapabilang sa Team FamiLea.

Yun na!

-Mercy Lejarde