BOHOL, Philippines – Mistulang pista ang kapaligiran sa pagbabalik-bayan ni Mark “Magnifico” Magsayo. Ay siniguro niyang magpapatuloy ang kasiyahan nang maitala ang unanimous decision laban kay Panya Uthok ng Thailand para makamit ang bakanteng WBC Asia featherweight title Sabado ng gabi sa Tagbilaran City.

MAGSAYO: Bagong Pinoy champion.

MAGSAYO: Bagong Pinoy champion.

Sa promosyon ng Vladimir Boxing Promotions, tinupad ni Magsayo ang pangako sa mga kababayan at napanatili ang malinis na karta sa 20-0, tampok ang 14 knockouts. Dumating sa bansa si Uthok tangan ang impresibong 53-7 karta na may  35 KOs.

Naging agresibo si Magsayo sa unang dalawang rounds, ngunit matikas na nakihamok ang Thai na may ganting malalakas na atake. Hindi naman nagpabaya ang Pinoy pride at kinuha ang panalo sa determiandong atake sa huling apat na rounds.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3