NAKOPO ni National team member Princess Catindig ang bronze medal sa women's 21-under division ng 1st  Asian Junior Soft Tennis Championships nitong Linggo sa Colegio San Agustin indoor tennis court sa San Jose Del Monte, Bulacan.

IBINIDA ni Princess Catindig (gitna) ng Team Philippines ang bronze medal na napagwagihan sa Asian Junior Soft tennis Championship.

IBINIDA ni Princess Catindig (gitna) ng Team Philippines ang bronze medal na napagwagihan sa Asian Junior Soft tennis Championship.

Umusad sa semifinal round ang reigning NCAA MVP mula sa San Beda University nang pabagsakin sina  Ana Kawingian ng Indonesia 3-2 (8-6), Rin Sothery ng Cambodia 3-0 at Asees Kaur Chahal ng India 3-0.

Samantala, tatangkain ni Catindig ina makahirit sa pagsabak sa 1st Asian University Soft Tennis Championships na magsisimula ngayon sa parehong venue.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ang torneo ay magsisilbing pre-event para sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Masusubok ang kahandaan ng Pinoy netters laban sa matitikas na karibal mula sa Japan, Chinese Taipei, India, Mongolia, Thailand, Malaysia, China, Nepal, Indonesia, South Korea at DPR Korea.

Huling nilaro ang table tennis sa SEA Games noong  2011 sa Indonesia kung saan nakapagwagi ang Team Philippines ng isang silver at limang bronze medal.