PUERTO PRINCESA – Mula sa magiting na pakikidigma sa Batang Pinoy National Finals, tatanggapin ng walong batang atleta na nagwagi ng isa o higit pang gintong medalya sa kani-kanilang sports ang parangal sa 2nd
Siklab Youth Awards Night ngayon sa Market! Market! Activity Center sa BGC Taguig City.
Tinanghal na ‘most bemedalled athlete’ si Aldrener Igot Jr. ng Cebu City nang walisin ang walong event na nilahukan sa boys archery ng torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).
"Masaya po ako. Kakaiba poi tong nagawa ko. Last year, bokya ako, kaya malaki po ang pasasalamat ko sa mga tumulong sa akin,” pahayag ng 14-anyos na si Igot.
Humakot naman ng tig- limang gintong medalya sina Aubrey Tom ng Cainta Rizal at si John Alexander Talosig ng South Cotabato sa swimming.
Humirit din ng limang gintong medalya si Karl Eldrew Yulo ng gymnastics, gayundin si Naina Dominique Tagle ng Dumaguete City sa archery.
Hindi rin nagpaiwan si Marc Bryant Dula na nagwagi sa limang event na nilanguyan, habang Sina Magvrylle Chrause Matchino ng Laguna at John Margarita Loreno ng South Cotabato ay humakot ng tig-apat na gintong medalya sa athletics at archery, ayon sa pagkakasuno.
Kabilang din sa tatanggap ng parangal sa Siklab sina reigning girls PGA champion Yuka Saso, triathlete Andrew Kim Remolino, basketball’s Dave Ildefonso.
Pararangalan din sina fencers Maxine Esteban at Samantha Catantan sa naturang event na inorganisa ng Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Media Group, gayundin sina junior cycling champion Marc Ryan Lago at dragonboat/canoe-kayak world champion paddlers Christine Mae Talledo at Lealyn Baligasa.
Nasa listahan din sina International Masters Kylen Mordido at Marvin Miciano, speed skater Julian Kyle Silverio, pole vaulter Hokett Delos Santos at wrestler Cadel Evance Hualda at swimmers Xiandi Chua, Michaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryant Dula.
Tatanggap din ng parangal bilang ‘Young Heroes’ sina shooting’s Denise Basila at Michael Angelo Fernandez, skater Diane Panlilio, Jannah Romero (table tennis), Janzeth Gajo (wushu), Joshua Glenn Bullo (sepak takraw), Lanz Zafra (badminton), Samantha Catantan (fencing) at Solomon Padiz Jr. (badminton). Sandrex Gaisan (wushu), Lovely Mae Orbeta (darts), Patrick Coo (cycling), Mariel Abuan (athletics), Remond Lofranco (boxing), weightlifter Vanessa Sarno, swimmer Ivo Nikolai Enot at Dylan Valmores (jujitsu). Annie Abad