NAITAKAS ng Davao Cocolife Tigers ang makapigil-hiningang duwelo laban sa Cebu Sharks ,65-61, sa eliminasyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup kamakalawa sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Mabagal ang panimula ng magkabilang panig kung saan naitala ang mababang 13-11 first quarter score angat ang Tigers.
Naglatag ng pressing defense ang Davao ni team owner Claudine Bautista na suportado nina Cocolife president Atty.Jose Martin Loon,FVP Joseph Ronauillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque pagtikada ng second quarter sabay pasabog ng 11-0 run sa kabilang dulo sa pagtutulungan nina Billy Robles,Emman Calo at James Forrester upang iposte ang 24-13 bentahe.
Nakipagpalitan ng hatawan ang Sharks para maisara ang iskor sa 30-34 sa halftime.
Ratsadahan sa second hald at sa final priod nagawa pang makaungos ng Cebu, 61-57, subalit hindi nawalan ng loob ng Tigers para mailatag ang magkasunod na three-pointer ni Joseph Terso tungo sa pagtala ng ikawalong sunod na panalo at mapatatag ang liderato sa South Division na may 10-1 karta.
“Nagbunga ang shooting practice ko at ang composure ng team sa endgame. Matagal na kaming magkakasama kaya alam na ang galawan,” pahayag ni Terso na kinilalang Best Player of the Game sa unang pagkakataon sa kanyang impresibong 16 puntos at limang rebounds.