MAY bagong paraiso na naghihintay sa mga turista na nagnanais na magtampisaw sa pamosong Dakak beach resorts sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.
Handa at kompleto na ang 18-holes world-class Dakak Golf Club na dinesenyo ng pamosong golf icon na si Greg Norman at sa nakatakda itong buksan sa isang torneo na Chairman’s Cup – bilang parangal kay dating Rep. Romeo Jalosjos – na siyang nagtulak sa pamilya na dugtungan ng golf course ang itinuturing isa sa pinakamagandang beach resort sa Mindanao at sa bansa sa kabuuan sa Nobyembre 24.
Halos 20 minuto lamang ang layo nito mula sa Dipolog City Airport.
“Construction process on our ‘Ocean 9’ is now reduced to shaping and grass turfing on three fairways with cart path development and landscaping on-going and scheduled to be mostly completed by the end of September,” pahayag ni Dakak Golf president Rick Gibson.
“The Habagat seasonal winds have brought welcome rain showers to assist the grow-in of our newly-planted tees, fairways and greens, and a newly adjusted maintenance program has greatly improved the condition and playability of the greens on our now in play ‘Hillside 9’.”
Plantsado at dumaan sa matinding pag-aaral at konsultasyon ang konstruksyon ng Dakak golf course na tatampukan ng pitong holes kung saan tanaw ang kabuuan ng ipinagmamalaking kagandahan ng Sulu sea.
“The transition of our umbrella girls into fully trained caddies is on-going, with the additional benefit of many of our young ladies becoming respectable golfers as well,” sambit ni Gibson, dating Asian Tour champion at PGA campaigner.
“Competition on-course within the staff is becoming fierce, while revealing talents otherwise hidden before the introduction of golf at Dakak only a few short years ago.”
Nagsagawa na ng Monthly Medal tournament simula Hulyo at ang bawat kampeon sa torneo ay libreng makakalaro sa Chairman’s Cup.
Sa pormal na pagbubukas, inaasahan ang pagdagsa ng mga local at dayuhang turista na magpapalakas sa adhikain ni Gibson na maging golfing destination ang Dakak Golf Club
-Edwin Rollon