Igot at Tagle, sumipat ng gintong medalya sa Batang Pinoy

PUERTO PRINCESA – Tuloy ang pagtudla sa gintong medalya ni Aldrener Igot ng Cebu City, habang nakisalo na rin sa pamamayagpag si Naina Dominique Tagle ng Dumaguete City sa pagpapatuloy ng archery competition sa 2019 Batang Pinoy National Finals sa Ramon Mitra Sports Complex dito.

NAGPAMALAS din ng kahusayan ang mga batang atleta sa billiards at weightlifting event ng Batang Pinoy National Finals sa Palawan. (PSC PHOTO)

NAGPAMALAS din ng kahusayan ang mga batang atletamsa billiards at weightlifting event ng Batang Pinoy National Finals sa Palawan.
(PSC PHOTO)

Naghari ang 14-anyos na si Igot sa Olympic round boys, para sundan ang naunang tagumpay sa 40m, 50m at FITA, gayundin sa 20m at 30m event.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

“Masayang –masaya, tamang-tama yung target namin,” pahayag ni Igot.

Pinataob ni Igot ang pambato ng host city Puerto Princesa na si Nathaniel Carlos, 6-2, sa naturang Olympic round.

Ngayong araw, sasabak si Igot sa mixed events at boy’s team para sa kanyang ikawalong gintong medalya.

Samantala, hataw si Tagle sa nahakot na ikalimang ginto matapos na talunin si Shayne Dinopol ng Cebu City sa Olympic round girls Cubs.

“I was perfectly fine with the rain and I’m happy because I was able to get the golds. My ate (Nicole) told me to do my best so I just did it,” ayon sa 11-anyos na si Tagle.

Nauna niyang nadomina ang 40m, 50m, fits at 20m.

Sa athletics, apat na ginto naman ang nakuha ni Siklab Youth awardee Magvrylle Chrause Matchino ng Laguna Province matapos na magreyna sa mga events na 1500m girls( 5.05.0), 4x100m girls(52.4), 2000m steeplechase (7:38.8) at sa 4x400m girls (4.17.3).

Sa gymnastics, dalawang gintong medalya naman ang iniuwi ng kapatid ni Karl Eldrew Yulo na Elaiza Andriel matapos na manguna sa individual all around at vault event.

Kumabig naman sa cycling ang pambato ng Pangasinan Province na si Ruben Dela Cruz Jr. nang pagbidahan ang MTB event sa tyempong 7:21.8.

Ang nasabing kompetisyon na inorganisa ng Philippine Sports Commission at suportado ng Milo ay tatagal hanggang Agosto 31.

-Annie Abad