BEIJING (China) – Nakatuon ang programa ng basketball sa Africa sa pagkakahalal kay African Hamane Niang bilang bagong pangulo ng FIBA (International Basketball Federation).

Kabuuang 156 national federations, kabilang ang Samahang Basketball ng Pilipinas, ang dumalo sa XXI FIBA Congress at nagkakaisang naghalal kay Niang para sa apat na taong termino. Pinalitanb niya si Horacio Muratore.

Si Niang ang dating Vice President ng FIBA at pangulo ng FIBA Africa. Bago ito, naging pangulo rin siya ng Mali Basketball Federation at dating Mali Minister of Sport.

“I sincerely thank all the National Federations for the trust they have placed in me today. It is with humility that I accept this responsibility placed upon me. I promise to dedicate myself fully to FIBA during my tenure and to serve the interests of our beloved sport across all corners of the world. We are the governing body of basketball and we must continue to play the leading role in developing our sport. Together, we can become the most popular sports community in the world,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nahalal naman sa kanyang ikalawang termino bilang FIBA Treasurer si Ingo Weiss ng Germany.