HINDI nabasa ng female blogger ang disclaimer ng isang produktong pampaganda kaya ginamit niya ito with self-assurance na mas lalong gaganda ang kutis niya dahil ito ang pagmamalaking sabi ng endorser nito.
Buong kuwento ng aming katotong may magandang kutis, “akala ko kasi mas lalong kikinis, sabi kasi mas gaganda, so ginamit ko. Grabe, nagmanhid ‘yung kanang pisngi ko, tapos hanggang dito (malapit sa sentido), namanhid na, natakot ako. Hindi ko alam gagawin ko. Tapos kinabukasan, tumabingi ‘yung face ko, may mga nakapansin nga kasi nasa event ako. Sabi, ‘anong nangyari?’ Sabi ko, ‘ginamit ko ‘yung (pampaganda)’, nagulat silang lahat. Ako lang pala ang gumamit no’n, lahat sila ipinamigay nila.
“Ganu’n kasi ako, may tiwala ako sa bawat product na ini-endorse ng mga artista kasi ang gaganda ng skin nila, e, malay ko bang mangyayari sa akin ito. Mabuti na lang mayroon akong ini-spray na alkaline water, umayos naman na. Napagalitan nga ako ng dad ko.”
Binanggit namin na may disclaimer ang produkto sa katoto namin at sabi nga niya, “hindi ko nakita. Kaya lesson-learned na ito.”
Sa kabilang banda, nang mabasa namin ay medyo nag-alangan kaming ipamigay ito sa mga kaanak namin. Usually kasi kapag hindi namin ginagamit ang produkto, ipinamimigay namin ito sa mga kaibigan o kamag-anak. O kaya personal din naming sinusubukan.
-Reggee Bonoan