MAS maraming batang mapansin sa chess at malinang ang talento ang misyon sa pagtataguyod ng 2019 GM Rosendo Balinas Memorial Cup chess championship.

MAGSISILBING ‘chess ambassador’ sa Balinas Cup sina GM Joey Antonio (ikalawa mula sa kaliwa) at GM Darwin Laylo (ikatlo mula sa kanan)

MAGSISILBING ‘chess ambassador’ sa Balinas Cup sina GM Joey Antonio (ikalawa mula sa kaliwa) at GM Darwin Laylo (ikatlo mula sa kanan)

At hindi nabigo ang organizers sa pangunguna ni Dr. Jenny Mayor.

Matapos ang ilang serye ng qualifying tournament, susulong ang National Finals ng torneo na nagtampok ang mga premyado at papasikat na chess players sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“GM Balinas is really one of the best Filipino chess players ever. He was an idol,” pahayag ni GM Rogelio Antonio, Jr. sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

“I am deeply honored to be invited to play in the Balinas Memorial. I was a student of GM Balinas and I can say I am one of his more successful students. I really owe a lot to him,” ayon sa 57-anyos na chess hero sa bansa.

Sasabak si Antonio, kasama si GM Darwin Laylo sa torneo bilang mga seeded players.

“Yung presensiya nila eh! tiyak na magbibigay ng mas mataas na motivation sa players na paghandaan ang kanilang mga laban,” ayon kay Mayor, pangulo ng Philippine Executives Chess Association (PECA).

Nilinaw ni Mayor na hindi bahagi sa premyong nakalaan ang dalawang GM. “As seeded GM, may ibibigay lang kaming token appearance fee sa kanila, aniya.

Gumawa ng kasaysayan si Antonio ng maging ikatlong GM sa bansa noong 1993 matapos mamayagpag sina GM Eugene Torre at Balinas.

Nakatakda ang torneo sa Sept. 2-10 at Alphaland Place sa Malugay St., Makati City.

“I was not to able to meet GM Binas, but I know him as one of our strongest players. I even studied some of his games,” pahayag ni Laylo sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club,PAGCOR, Commuity Basketball Association and HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Kasama rin sa torneo si GM John Paul Gomez.

“You can see the beauty of chess in the old format, which is the standard or long game. It is a lot betterthan the rapid or blitz style,” pahayag ni Engr. Tony Balinas, nakatatandang kapatid ng yumaong GM.

Inaasahang aabangan din sa torneo sina IM Paulo Bersamina, IM Daniel Quizon, IM Angelo Young, NM Nick Nisperos, IM Ricky de Guzman, IM Cris Ramayrat, NM Carlo Magno Rosaupan, NM Julius Sinangote and untitled qualifiers Sherwin Tiu, Kevin Mirano, Rolly Parondo, Jr., Alfredo Rapanot at Michael Concio, Jr.