NAHIMASMASAN na ang daddy Amay Amon ni Morisette pagkatapos ng mga pinagti-tweet niya laban sa anak dahil nag-post siya nitong Martes (Agosto 27) ng madaling araw na sana maging maayos na ulit silang mag-ama.

Morisette

Ang kabuuan ng post niya sa kanyang IG account: “I have been waiting for the storm to pass, but I have recently seen things written about me and my family, that are categorically untrue. I will not give my time and my energy anymore speaking to every of those lies, with one very serious exception.

“I have never, ever hit my daughter. That narrative ends here. As a father, there will be missteps, there will be miscommunications, and there will be mistakes. But physically disciplining my children has never been, and will never be a part of my parenting.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I take full responsibility for having invited outside opinions and speculation on what should have been a private family matter. My tweets were written out of frustration and heartbreak. I know now that no tweet could possibly summarize all of the nuances in the series of events that lead to today.

“The only people who know the whole truth are the ones that lived it, including Morissette. “At the heart of the matter, and at the end of the day, my wife and I just want to be the best parents we can be to our extraordinary children. We have made every effort to support and sustain our family, and now we are called on to survive this storm. And we will.

“I know now that the only thing the internet loves more than a hero is a villain. I know that controversy generates clicks, views, and press, but I will not be that villain anymore. “I look forward to the conversation shifting back to my daughter’s undeniable talent, drive, passion, and more – where it should have stayed.

“As for the road ahead, I hope all parties can speak their truth and be heard, respected, and believed, and hopefully the work to reconciliation and healing starts soon.”

Tinawagan kami ng aming source tungkol dito, “finally naisip na ni Amay ang pagkakamali niya? Kasi maraming nang-bash sa kanya?

Maraming kumuwestiyon? Sa kabilang banda, naapektuhan ang anak niya dahil sa mga pinagsasabi niya, pero sa kabilang banda, nakuha pa rin ni Mowie ang simpatiya ng tao. At kung may ilang kumampi kay Amay, feeling ko siya rin ‘yun, gumawa ng iba’t ibang account para ipagtanggol ang sarili, e, hindi naman nagtagumpay kaya hayan, naglabas na ng statement at inako na lahat ang pagkakamali.”

Nang ilabas namin ang pahayag ng taong nagtatanggol kay Morissette ay naglabas kami dito sa Balita na bukas ang pahinang ito para sa panig ni Mr. Amay Amon, pero hindi kami kinontak kaya malaking bagay na naglabas siya ng saloobin niya tungkol dito.

Tinawagan din pala kami ng isa sa manager ni Morissette na si Carlo Orosa ng Stages at nagpapasalamat sa inilabas naming pagtatanggol tungkol sa singer.

Pero hindi pa rin kami sinasagot hanggang ngayon ni David Cosico, taong dahilan kung bakit namin nakilala ang dalaga, sa paulit-ulit naming tanong tungkol alaga niya. Pero okay lang Mr. Cosico alam naming super busy ka at ayaw mong makadagdag sa gulo as usual, idinadaan mo sa pananahimik.

By the way, si Mr. Audie Gemora ay hindi rin sumasagot sa tanong namin tungkol sa pagtira ni Morissette sa bahay niya, ayaw na ring sumawsaw?

Okay na rin na hindi sila nagsisagot dahil mabilis nahupa ang gusot lalo’t naglabas na ng statement si Mr. Amon tungkol sa mga sinabi niyang masasakit laban kay Morissette.

Kaya tapos na ang isyu, move forward na sa pamilya Amon. Smile ka na, Morissette!

-REGGEE BONOAN