IMPRESSIVE ang audio visual presentation (AVP) ng Beautiful Justice na ipinakita ng GMA Network Entertainment Group sa grand media launch nitong nakaraang Martes ng gabi sa Le Reve Events Place.

Direk Mark at cast ng 'Beautiful Justice'

Revenge ang istorya ng Beautiful Justice pero bago sa Philippine TV ang konsepto na humahabol sa current events. Dominated ng male actors ang action genre sa bansa natin, kaya refreshing sa mata na magaganda at seksing female stars ang mga bida.

Ipaghihiganti nina Alice, Kitkat at Brie na ginagampanan nina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia respectively ang kanilang mga mahal sa buhay na pawang agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Napatay sa failed mission ng PDEA ang mga ito at matutuklasan nila kalaunan na hindi simpleng engkuwentro lang ang nangyari kundi pinagplanuhan ng powerful drug syndicate.

Sa tulong ng isa pang PDEA agent na ginagampanan ni Gil Cuerva, magkakaisa at magsasanay ang tatlong matatapang at magagandang bida para tuntunin ang sindikato at lansagin ito.

Makakasagupa nina Bea, Yasmien at Gabbi ang Black Pentagon na pinamumunuan nina Ninang (Bing Loyzaga) at Miranda Samonte (Valeen Montenegro).

Nag-training ang cast ng Krav Maga at sumailalim din sa gun training sessions bilang paghahanda sa serye. Si Victor Neri na gumaganap bilang regional director ng PDEA ang isa sa kanilang stunt trainers. Sanctioned ang Beautiful Justice ng PDEA na nagkaloob ng agents na nakikipagtulungan sa production upang maibigay sa viewers ang makatotohanang depiction sa screen ng kanilang buhay at trabaho.

Si Mark Reyes V ang direktor ng pinakabagong serye na ayon sa GMA ay mapapanood na simula September 9, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Kapansin-pansin na pawang fresh concepts ang hinahawakan ni Mark Reyes. Siya rin ang nagdirihe ng TGIS, Encantadia franchise, My Korean Jagiya at maraming iba pa. Visual feast ang AVP, lalo na ang establishing shots ng Metro Manila mula sa ere at fashionistang mga bida.

Eye candy ang magaganda at seksing bida. (Kailangan lang bantayan ang namumulagat na mga mata ni Gabbi sa confrontation scenes, dahil nasisira ang beauty niya.)

Kung mapapangatawanan ang mataas na standard na ito habang umeere hanggang matapos ang Beautiful Justice, may winner uli sa primetime ang Siyete.

-DINDO M. BALARES