Isang miyembro ng pulisya ang nagpakamatay nang barilin nito ang sarili sa Manay, Davao Oriental,ngayong araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Patrolman Pat Nonie Badbadon, nakatalaga sa 1St Davao Oriental Police Mobile Force Company (DOPMFC).

sa report ng pulisya, nagpakamatay si Badbadon sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo nito, gamit ang kanyang service firearm.

Nakita na lamang na wala ng buhay si Badbadon sa loob ng kanyang silid sa DOPMFC sa Bgy. San Ignacio, na naturang bayan.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Manay Municipal Police Station (MMPS), posibleng nagpakamatay ang biktima dahil wala silang nakitang foul play.

Duda naman ang mga kaanak ni Badbadon na nagpakamatay ito, dahil wala umano itong problema, walang girlfriend at mahilig magbasa ng bibliya at plano rin umano ng biktima na maging pastor.

Sinabi ng pulisya, hawak pa ng biktima ang kanyang baril na ginamit umano nito sa insidente.

Isang tama lamang sa ulo ang ikinasawi ni Badbadon, ayon sa pa sa ulat.

Gayunman, nagsasagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad sa kaso.

-Fer Taboy