PUERTO PRINCESA – Kapwa naitala nina Albren Jan Dayapdapan ng Dipolog City at Gabriel Angelo Jizmundo ng Dagupan City ang bagong Philippine Junior National record sa 50-meter breaststroke sa swimming competition ng 2019 Batang Pinoy National Finals Puerto Princesa Swimming Center.

Nakamit ng 15-anyos na si Dayapdapan ang gintong medalya sa 13-15 Boys 50m event sa tyempong 31.10 segundo, habang bumuntot si Jizmundo, 15, sa bilis na 31.20. Kapwa nila nalagpsan ang dating marka na 31.27  na naitala ni Gerard Bordado, may anim na taon na ang nakalilipas sa 27th SEA Age Group Swimming Championships sa Laguna.

Aubrey Tom

Aubrey Tom

Malayong pangatlo si Guiliver Clive Clemente ng Antique (32.27).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakamit naman nina Marc Bryant Dula ng Paranaque  at Aubrey Tom ng Cainta, Rizal ang tig-apat na gintong medalya, sapat para maging lehitimong kandidato sa ‘Best Performer Award’.

Nadomina ni Dula, miyembro ng Philippine Swimming League (PSL) Developmental pool, ang boys  50m butterfly sa  tyempong  29.28 at 200m backstroke  (2.31:95).

"Masayang masaya po ako. Alam kong masaya din po si coach Susan para po sa akin," ani Dula, patungkol sa namayapang dating Olympian at PSL founder na si Susan Papa.

Unang nakuha ni Dula ang kanyang dalawang ginto sa unang araw ng kompetisyon sa 50m Backstroke (31.10) at 100m Fly (1:04.55).

Naisingit naman ni Tom, ang panalo sa girls 50m butterfly (31.41). Namayani ang 13-anyos sa 200m IM (2:32.30), 100m freestyle (1:03.57) at 50m backstroke (33.55) sa unang araw ng aksiyon sa torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Hataw din sina Cotabato Province’ John Alexander Talosig sa Boys 13-15 200m IM Division  (2:18.81) at 1,500m free (17:27.85).

Kumasa rin sa  12 & Under Division sina Isidore Warain (200m IM / 2:26.18), Pietro Dominic Requiza (100m Free / 1:01.77), Patrick Anthony Vidal (50m Breast / 36.41), Saira Janelle Pabellon (50m Breast / 37.36), at Renavive Rontessa Subida (100m Fly / 1:10.35).

Ang iba pang nakaginto sa 13-15 Division ay sina Lora Micah Amoguis (200m IM / 2:32.28), Arbeen Miguel Thruelen (100m Free / 57.25), Alexi Kouzenye Cabayaran (100m Free / 1:02.59), John Marocenel Alagon (50m Back / 29.35), Kyla Soguilon (50m Back / 31.41), Roz Ciaralene Encarnacion (50m Breast / 35.22), Earl Jude Buncio (100m Fly / 59.94), at Maglia Jaye Dignadice (100m Fly /1:08.59).