Ni Jonas Terrado

KIPKIP ang dalangin para sa maayos na biyahe at palabang puso para sa inasahang mabigat na laban, tutulak ngayon ang Philippine Gilas basketball team patungong Foshan, China para sa pagsabak sa FIBA World Cup.

Sakay ng China Southern Airlines patungong Guangzhou, aalis ang Gilas ganap na 8:00 ng umaga para sa isang oras na biyahe patungong Foshan.

NAGSAGAWA muna ng final practice ang Gilas Pilipinas bago ang nakatakdang biyahe Huwebes ng umaga patungong China.

NAGSAGAWA muna ng final practice ang Gilas Pilipinas bago ang nakatakdang biyahe Huwebes ng umaga patungong China.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nakatakdang simulan ng Gilas ang kampanya sa Sabado laban sa matikas na Italy sa Group D match.

May nakalaang ensayo para sa Gilas ganap na 6:30 ng gabi ng Biyernes.

“We’re hoping we can hit 100 percent by Saturday,” pahayag ni Guiao.

“We’re trying to schedule our peak by that time. Everything we do now is geared toward achieving that peak on Saturday.”

Nagsagawa ng huling ensayo sa Manila ang Gilas nitong Miyerkoles sa Meralco Gym. Nauna rito, nanood muna ang buong koponan ng mga dating laro ng Italy.

Sa kabila ng hindi pagkakasama sa 12-man line-up ng Gilas, nakiisa pa rin si Beau Belga sa ensayo bilang bahagi na rin ng paghahanda sa kampanya ng Rain or Shine sa PBA Governors Cup.

“Willing pang tumulong,” sambit ni Belga.

“Tingin ko may maitutulong pa ako sa kanila before they leave,” aniya.

Hindi na rin sumasa sa biyahe sina Poy Erram at Matthew Wright  na kapwa nagtamo ng injury sa paa, ngunit sumabit si Marcio Lassiter  para sumuporta sa koponan.

Inaasahan namang makakadaupang-palad ng Gilas ang Pangulong Rodrigo Duterte na nagpahayag na manonood ng laban kontra sa Italy. Nasa China ang Pangulo para sa bilateral meeting.