TAMPOK ang isyu sa triathlon at eSports, gayundin ang paghahanda sa GM Rosendo Balinas Memorial Cup chess championship at Community Basketball Association (CBA) 18-under championship ang sentro ng talakayan sa "Usapang Sports" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club sa Intramuros.

Ipahahayag nina Grandmasters Rogelio Antonio, Jr.,  John Paul Gomez at  Darwin Laylo ang kani-kanilang tsansa sa Balinas Memorial na nakatakda sa Sept. 2-10 sa Alphaland Place Makati.

TOPSLOGO

Makakasama ng tatlong GMs sina Engr. Tony Balinas, nakatatandang kapatid ni GM Balinas, at Dr. Jenny Mayor, pangulo ng organizing Philippine Executive Chess Association (PECA).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Imbitado rin sa lingguhang forum ganap na 10 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks sina triathlon champion Maria ClaIre Adorna at Atty. Ronald Renta and Arniel Gutierrez ng Philippine National ESport League.

Pambato si Adorna ng bansa sa gaganaping SEA Games at bahagi ng kanyang pagsasanay ang pagsabak sa World Beach Games sa Doha, Qatar sa Oktubre at sa Mt. Mayon Triathlon sa Legazpi City sa Aug. 19.

Magbibigay naman ng kanilang pananaw sa qualifying meet ng eSports sa SEA Games sina Renta at Gutierrez.

Inaasahan namang maglalaan ng kani-kanilang pananaw para sa best-of-three title series ng CBA Under18 sina coach Russel Ynarez ng Binangonan Spartans at Elven Uy ng Caloocan Hurricane Saints, kasama si Cashalo brand manager Roro Quijano.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga opisyal at miyembro na dumalo sa talakayan na mapapanood din ng live sa Facebook sa pamamagitan ng Glitter Livestream.