MELBOURNE, Australia (AP) — Hindi na nagpatumpik-tumpik ang USA Basketball para ipahayag ang official line-up nailalaban sa FIBA World Cup.

Napadali ang desisyon ni US coach Popovich matapos hindi makalaro si Kyle Kuzma ng Los Angeles Lakers bunsod ng injury sa kaliwang paa.

Hindi na pinaglaro si Kuzma nang matikman ng Americans ang masakit na 94-98 kabiguan sa Australia sa isa sa dalawang exhibition game para sa paghahanda sa World Cup na nakatakda sa August 31 sa China.

Narito ang opisyal na line-up ng US Team: Guards — Joe Harris (Brooklyn), Donovan Mitchell (Utah), Marcus Smart (Boston), Kemba Walker (Boston) and Derrick White (San Antonio). Forwards — Harrison Barnes (Sacramento), Jaylen Brown (Boston), Khris Middleton (Milwaukee), Jayson Tatum (Boston). Centers — Brook Lopez (Milwaukee), Mason Plumlee (Denver), Myles Turner (Indiana).

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad