Sa kalagitnaan ng mga pagpoprotesta ng ilang opisyal ng gobyerno hinggil sa paglalayag ng mga Chinese survey at warship sa karagatang saklaw ng teritoryo ng Pilipinas nang walang permiso o abiso, kamakailan ay klinaro ni Pangulong Duterte ang dapat na asahan mula sa mga dayuhang barko na pumapasok sa iba’t ibang bahagi ng katubigan ng Pilipinas, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ginarantiyahan ng UNCLOS ang Pilipinas ng mga karapatan sa karagatang saklaw ng teritoryo ng bansa, sa Exclusive Economic Zone (EEZ), at sa Extended Continental Shelf (ECS) nito. Mayroon tayong soberanya sa territorial sea, ngunit sovereign rights lamang para sa kapakinabangan ng mga natural resources sa lupang nasa ilalim ng karatagan ng EEZ at ng ECS.
Iginiit ng Pangulo na dapat magbigay ng abiso sa mga opisyal ng Pilipinas ang mga dayuhang barko, commercial man o warship, na daraan sa 12-mile territorial seas, nang sa gayon ay malaya ang mga itong makapaglayag. Ang naturang permiso o abiso ay kinakailangan sa EEZ o ECS.
Nakadagdag sa kalituhan ang mga impormasyon at satellite photo na mula sa mga ahensya ng Amerika at sa US Naval College blogger na nagsabing ilang paglabag na umano ang ginawa ng Chinese vessels sa Pagasa islands, sa Benham Rise east of Luzon sa Pacific, at sa Sibutu Passage sa timog.
Ang Sibutu passage ang pinakabagong lugar sa matagal nang pinagtatalunang Philippine waters. Matagal nang naglalayag ang malalaking barko sa 18-mile-wide Sibutu Straight, na naghihiwalay sa Pilipinas at Brunei, mula South China Sea patungong South Pacific. Dahil ginagarantiyahan lamang ng UNCLOS ang 12 milya sa territorial waters, ang mga dayuhang barko na dumaraan doon ay tila ilang milya ang layo mula sa katubigan ng Pilipinas.
Nitong Huwebes, nagpahayag ng panibagong panukala si Supreme Court Justice Carpio na aniya ay dapat na ikonsidera ng mga opisyal na nagbabala laban sa panghihimasok ng mga dayuhang barko. Aniya, pinahihintulutan ng UNCLOS ang mga dayuhang barko ng “innocent passage” sa territorial o archipelagic waters. Kaagad itong sinagot ni Secretary of Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr. na dahil sa naturang karapatan sa “innocent passage,” maaaring hindi agaran at madaling maipatupad ang kautusan ng Pangulo na kailangan ng mga dayuhang barko na mag-abiso sa bansa kapag maglalayag sa karagatang saklaw ng teritoryo ng Pilipinas.
Malinaw na kailangan pang pag-aralan ang naturang kautusan ng Pangulo. Hindi ito pupuwedeng ipatupad agad dahil ayon kay spokesman Salvador Panelo, “Either we get compliance in an friendly manner or we enforce it ina na unfriendly manner.”