Ni Edwin Rollon

NANGAKO ng magandang laban ang Team Philippines Muay sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa bansa.

At ngayon pa lang, pinatunayan nila ang kahandaan sa laban.

IBINIDA ng mga Pinoy Muay fighters ang kanilang mga medalya matapos ang masayang pagdiriwang sa kanilang tagumpay, sa pangunguna nina Pearl Managuelod (ikalawa mula sa kaliwa) at ama na si Gen. Lucas Managuelod, pangulo ng Muaythai Association of the Philippines.  PEARL FB

IBINIDA ng mga Pinoy Muay fighters ang kanilang mga medalya matapos ang masayang pagdiriwang sa kanilang tagumpay, sa pangunguna nina Pearl Managuelod (ikalawa mula sa kaliwa) at ama na si Gen. Lucas Managuelod, pangulo ng Muaythai Association of the Philippines. PEARL FB

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Naitala ng Pinoy Muay fighters ang impresibong kampanya sa katatapos na East Asian Muaythai Championships sa Wan Chai, Hong Kong, sa nasungkit na 10 medalya, kabilang ang tatlong ginto sa nine-country meet.

Umariba sina Colleen Saddi at Jenelyn Olsim laban sa local opponents sa finals ng  women’s 48.kgs. at 54kgs., ayon sa pagkakasunod, habang nakaisa si  Ariel Lee Lampacan kontra Yu Xi Chen ng Chinese-Taipei sa men’s 54ks.

Nagwagi si Saddi kontra Hoi Ni Heley Chan, habang nanaig si Olsim kay Ching Yee Tsang para mapantayan ng Nationals ang napagwagihang medalya sa nakalipas na edisyon.

“We are very happy with the results but I know that Team Bagsik can do better. And that’s what we promise the Filipino people in the upcoming SEA Games. We will dominate the opponents and show no mercy,” pahayag ni Pearl Managuelod, secretary-general ng MuayThai Association of the Philippines (MAP).

“Last year, sweep din namin yung 10 events, lahat ng fighters natin nag-uwi ng medalya,” aniya.

Sumabak din sa championship match, subalit kinapos sina Islay Erika Bomogao kontra Yuen Wai Chan ng HongKong sa women’s 45 kgs.; Philip Delarmino kontra  Hin Ching Liu ng Hongkong sa men’s 57 kgs.; Hanzel Bilog (60kgs., Ka Chuna Wu ng HongKong); Ryan Jakiri (63 kgs., Gantogtokh Baatarchuluan ng Mongolia) at Jerry Olsim (71 kgs., S.G Rishittha Rusemh ng Sri Lanka).

Nakasungkit naman ng bronze medala ang bagitong sina Sid Anthony Capuchino at Liane Benito sa men’s 51 kgs. at women’s 51 kgs., ayon sa pagkakasunod.

“There’s no doubt we will do well in the SEA Games.  Yung preparation at motivation ng ating mga fighters almost nasa peak na in time for the coming biennial meet in November,” pahayag ni Managuelod, Sports Psychology graduate sa University of Ottawa sa Canada.

Pinarangalan naman si National coach Onmula Yllib ng organizers bilang ‘Best Coach’.