NAITALA ni Jordan Mintah ang tanging goal sa laro para sandigan ang Kaya-Iloilo kontra Stallion-Laguna, 1-0, nitong Sabado sa Philippines Football League sa Aboitiz Pitch sa Lipa City, Batangas.

Nagawa ng Ghanian striker ang pahirapang puntos sa ika-18 minuto ng laro, sapat para gabayan ang Copa Paulino Alcantara titleholders sa ikaapat na sunod na panalo para sa kabuuang 34 puntos sa loob ng 14 na laro.

Lumapit ang Kaya sa tatlong puntos sa likod ng nangungunang Ceres-Negros.

Sa kabiguan ng Stallion, umusad ang Green Archers United sa ikatlong puwesto tangan ang 4-1 karta, matapos magwagi sa Air Force sa isa pang laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumana si Tating Pasilan para sa United na may 22 puntos, isang puntos ang abante sa Stallion.

Nanguna naman sina Paolo Bugas ang Stephen Tonaldo Appiah sa Green Archers United.

Nanatili sa ikaanim na puwesto ang Air Force tangan ang pitong puntos, tatlong puntos ang bentahe sa kulelat na Mendiola FC 1991 at Global-Makati.

Team Standings W D

Ceres 12 1

Kaya 11 1

Green Archers 6 4

Stallion 6 3

Mendiola 3 1

Air Force 2 1

Global 1 1