NAPANOOD na namin ang kissing scene nina Mylene Dizon at Ice Seguerra sa digital series na Call Me Tita sa iWant at may dahilan namang magselos si FDCP Chairperson Liza Diño dahil hindi lang basta ito dampi lang.

Liza at Ice

Bagamat idinaan sa biro ni Liza na nagseselos siya ay iisipin naming half-meant ito dahil gusto sana niya, siya ang kahalikan ni Ice. Pero wala naman daw isyu at proud nga siya sa ‘hubby’ niya dahil magaling na aktor.

Ang Call Me Tita ang isa sa paboritong panoorin ngayon sa iWant bukod sa Past Present Perfect ni Shaina Magdayao na inaabangan naman tuwing Linggo sa ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Going back to Ice, ay abala ito ngayon dahil siya ang naatasang magdirek ng 100 Years of Philippine Cinema na gaganapin sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City sa Setyembre 12, bisperas ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino bilang GALA Night.

“Makasaysayan ang New Frontier Theater kasi di ba ang daming ginawang premiere night diyan, very special din sa akin kasi nakailang pelikula rin ako na diyan nag-premere night.

“Mabigat kasi Isang Daang Taon paano mo pagkakasyahin in 2 and half hours with all it’s glory and complications and everything else. You have to be historically accurate and same time it can be boring, but it has to be entertaining, medyo challenging but I have a very good team,” kuwento ni Ice nang masolo namin siya sa ginanap na #PPP3GrandLaunch noong Hulyo 11.

Nag-workshop si Ice sa Mowelfund ng directing, “it’s almost the same thing, the key is to get good people and learned from those people. Ako naman since mayroon din naman akong experience sa stage, I’ve been doing since I was young, so maski paano na-apply ko naman. It’s really getting a good people. Mahirap magtipid pagdating sa production dahil ‘yung tipid mong ‘yun, ikakasisi mo ‘yun,” kuwento ng singer/actress/director.

Sa Setyembre 15 naman ang awards night at si Ice pa rin ang direktor.

“Nagtitipid sila (FDCP), pro-bono ako at gusto ko ring walang bayad para hindi masabing ginamit kasi nga kami ni Liza ayokong mabigyan ng honorarium tapos mapulaan siya, kaya sabi ko, ‘no’. She’s doing an amazing job.

“At least mapunta ‘yung budget for me sa production mismo and ako naman at the same time I want to do it, I’ve been here in the industry for more than 32 years. Taong 1987 ako nag-start. Hopefully it flies, ‘yung vision makita at ma-entertain ang mga tao,” pahayag ni Ice.

Mahigpit ang gaganaping 100 Years of Philippine Cinema sa New Frontier Theater dahil lahat ng dadalo ay nakabarong at terno bilang Pinoy.

“Dapat kasi nu’ng dumalo ako sa France, lahat naka-tuxedo at ang gandang tingnan na walang naka-polo shirt. And siguro iyon ‘yung dream ko, ‘yung ningning ng showbiz. Ayoko nu’ng pupunta tayo na parang pumunta ka lang sa kanto. Gusto ko pinaghandaan natin ito. Hindi lang mga artista, pati reporters, photographers, lahat dapat nakabihis.

“Ang plano naman is to gather all the artists na kasama sa 100 years and the fans nasa balcony section. Plan namin talaga is red carpet style na from the hotel (Novotel) susunduin sila ng kotse tapos baba sila sa harap, gang-style,” kuwento ni Ice.

Dagdag pa, “excited din ako for the awards night kasi for the past two years were all pasasalamat. Sa One Esplanade (Pasay City), iyon kasi ang malaking venue na kasya ang lahat, kasi ang concept ay Festival of Mindanao. Kaya excited kami. Ang daming hinahanda.”

Habang kakuwentuhan namin si Ice ay ini-imagine namin ang mga gusto niyang mangyari sa pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema na dadaluhan ng lahat ng artista noon at ngayon.

-REGGEE BONOAN