NADAYA TAYO! -- Mitra

Ni Edwin Rollon

PUNO na ang salop, dapat nang kalusin.

Tuluyang sumabog ang matagal ng pagtitimpi ng Games And Amusement Board (GAB) sa mahabang panahong ‘mafia’ sa mga Pinoy fighters sa Thailand matapos padalhan ng boxing agency ang Thailand promoter at World Boxing Council (WBC) Asian Boxing Council ng ‘protest letter’ hingil sa resulta ng mga laban ng Pinoy fighters sa Thailand.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

MITRA: Dinadaya ang Pinoy.

MITRA: Dinadaya ang Pinoy.

Sa sulat na may petsang Agosto 22, 2019 at pirmado nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commissioners Eduard Trinidad at Mario Masanguid, naging huling mitsa sa desisyon ng GAB na magreklamo ang naging kaganapan sa laban ni Pinoy fighter Romshane Sarguilla kontra Thai boxer Siridech Deebok nitong Agosto 17, 2019 sa Workpoitn Studio, bang Phun, Thailand.

Sa kabila ng dalawang ulit na pagkakataon na napatumba ni Sarguilla ang karibal, natalo ang Pinoy via unanimous decision sa iskor na  58-56 (mula sa dalawang hurado) at 57-56.

Hiniling ng GAB na ma-reviewed ang naturang laban at magsagawa ng rematch kung kinakailangan. Iginiit ni Mitra na kung walang katugunan dito ang naturang boxing body, mapipilitan ang Pilipinas na suspindihin ang paglaban ng Pinoy fighters sa Thailand.

“Considering the calls from the Filipino boxing community and the historic trend that Filipino boxers lose if they don’t knock down the opponent, the GAB is inclined to suspend authorizing Filipino boxers to fight in Thailand,” pahayag ni Mitra, kamakailan lamang ay nai-appoint ng WBC bilang miyembro ng Boxing Rating Committee.

“Being at the forefront of regulation and supervision, the GAB is mandated to ensure the safety and welfare of professional boxing stakeholders. We in GAB continue to work closely with our international counterparts and other international boxing organizations to promote and maintain orderly and fair conduct of matches and keep the integrity within professional boxing,” aniya.

Ayon kay Mitra, kaagad ang naging aksiyon ng GAB matapos mapanood at ma-review ang laban ni Sarguilla sa Thailand.

“Matagal na itong problema ng mga fighters natin. Dinadaya tayo, kung hindi mo mapapabagsak ang Thai opponent mo tiyak talo ang boxer natin,” sambit ni Mitra.

Sa sulat, direkta itong iginiit ni Mitra.

“The review panel came to a common observation that in the fifth (5th) round there was a legitimate knockdown coming from a clean and quick uppercut which may have been overlooked by the Referee. Consequently, the impact of the punch in the 5th round caused the Thai boxer to lose his balance based on the sliding of his left foot.

“Furthermore, GAB, being the regulatory and supervisory authority of professional boxing in the Philippines, express our deep concern over various complaints regarding the frequency of losses of Filipino boxers fighting in Thailand,” pahayag ni Mitra.