ANG susunod na Allysa Valdez, Mika Reyes at Jaja Santiago ay maaring magmula sa Community Volleyball Association (CVA).

Ito ang motibasyon ng mga opisyal sa pagbuo ng CVA – pinakabagong community-based volleyball league -- sa pangunguna nina founding president Carlo Maceda at tournament director Alvin Tañad.

UMAASA ang mga opisyal ng Community Volleyball Association (CVA), sa pamumuno ni founding president Carlo Maceda (dulong kanan) na mas mapapatibay ng liga ang grassroots program sa sports. Inilunsad ang CVA sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club.

UMAASA ang mga opisyal ng Community Volleyball Association (CVA), sa pamumuno ni founding president Carlo Maceda (dulong kanan) na mas mapapatibay ng liga ang grassroots program sa sports. Inilunsad ang CVA sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club.

Nakatakdang simulan ang programa sa unang lingo ng Setyembre.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"We believe there are a lot of young and talented players from different parts of the country waiting to be discovered. Through the CVA, we are providing them the platform," pahayag ni  Maceda sa pagbisita sa "Usapang Sports" ng Tabloids Organization in Philippine Sports ( TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Bagamat meron ng dalawang major volleyball tournaments sa bansa kasalukuyan,  naniniwala si Maceda na may puwang sa kabataan ang CVA

"The more, the merrier. Madami tayong magagaling na volleyball players," paliwanag ni Maceda, umaasang mauulit sa CVA ang kanyang tagumpay sa CBA.

Hindi naman nababahala si Tañada na magkakaroon ng conflict sa dalawang malaking volleyball leagues, Premier Volleyball League at Philippine Super Liga.

"Hiidi naman namin planong kakaribalin ang PVL at PSL. Gusto lang natin ipakita sa mga players na hindi lang sa dalawang liga na ito pwede silang maglaro. We will develop our own talent base with the help of local government units," sabi ni Tañada sa weekly forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission,  National Press Club,  PAGCOR,  CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

"Ang maganda nito ay madaming mga LGUs ang may kaparehas na  at naniniwala sa atng mga adhikain at kakayahan. Magkasama kami dito sa CVA," dugtong pa ni Tañada, na naging miyembro ng Philippine volleyball team sa 2017 SEA Games.

Sinabi naman ni Watamslama Macalanggan, na magsisilbing 18-under commissioner, na madami na silang teams na nakausap para lumahok.

"We already talked to 12 school-based teams, although I am not at liberty to divulge the list now," saad ni  Macalanggan

Sa Open division,  naimbitahan na nila ang Philippine Navy at Air Force,  NLEX, Pasay, Makati, Taguig. Caloocan. Bacoor, Imus  at General Trias pati na ang tatlong lungsod sa Laguna.

Kasama nilang dumalo sa weekly forum sina CVA officials Sylvia Von Giese (Logistics and Liason Head), Janine De Ocera (Social Media Head), Grace Gomez (Medical Head) at Jeng Gacula (Marketing).