SA pamamagitan ni BFF Portia Ilagan ay nakapanayam ni Yours Truly si Senator Bong Revilla, Jr. sa opisina nito sa enado kumakailan lamang.

At ang mga sumusunod ay ilan lamang sa Q&A portion sa guwapito pa rin at very approachable na senador.

Q: Anong mga pagbabago ang naramdaman mo ngayong nasa Senado ka uli?

A: “I feel vindicated. At least, eto nakabalik tayo rito. Awa ng Diyos at sa tulong din ng mamamayang Pilipino, at hindi nila tayo pinabayaan. At sa aking pagbabalik naman, I was able to file more than 100 bills na. Isa tayo sa pinakamaraming batas na nai-file. Kumbaga, nai-file na at isinusulong na para maipasa sa lalong madaling panahon.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

“In fact, magagaling ang mga staff ko. Talagang ‘yung magagaling na staff ni Pareng Jinggoy (Estrada ) at magagaling na staff ko, pinagsama namin together. Para makapag-perform tayo ng mahusay.

“Kaya si Pareng Jinggoy, kahit wala siya dito sa Senado, ‘yung magagaling niyang staff, nakakatulong pa rin sa akin.

Q: Ano talaga ang priority ng mga bills mo?

“Basta ang isinusulong natin ngayon ay ‘yung 125 bills, lalo na ‘yung anti-fake news. Nag-prepare na tayo for that.

“At ‘yung batas na isinusulong natin ay dinidinig naman ng bawat Chairman ng Committee. And we expect soon na magkaroon ng batas para du’n.”

Q: Ngayong nagbalik-artista na ang misis mong si Mayor Lani Mercado, kailan ka naman susunod sa pagbabalik-artista?

A: “Ang sa akin lang muna ay trabaho dito sa Senado. Pero abangan n’yo…babalik si Bong Revilla, Jr. sa pelikula at telebisyon.”

Q: Pagbabalik with a big bang?

A: “Surprise.”

Q: Nalalapit na ang birthday mo this coming September, anong birthday wish mo?

A: “Natutuwa ako na siyempre, first birthday ko na ise-celebrate sa labas (ng Camp Crame kung saan ilang taon din siyang nakulong). Sabi nga nila dapat i-celebrate ko raw para makapiling naman natin ang mga supporters natin ever since.

“Sabi ko, I just want it to be simple. Pero ‘yung iba nagsasabi ng ‘no’ kahit sila raw ang gumastos. Sabi ko naman, bahala na, basta ang importante binigyan tayo ng Panginoong Diyos ng chance na muling makabalik dito sa Senado para makapag-serbiyo sa ating bayan. And that’s good enough for me, na maabot muli ang aking kinalalagyan ngayon.

“At sa pagbabalik ni Bong Revilla, Jr. sa Senado, umasa kayo na tayo ay magpe-ferform at hindi tayo magpapabaya sa ating trabaho. At hindi ako magpapabaya siyempre sa mga tagahanga ko na nanindigan at patuloy na sumusuporta sa akin.”

Q: Ano ang gusto mong sabihin sa iyong mga supporters?

A: “Wala. Basta tayo, simple lang muna. Pagilid-gilid lang. Basta tayo magpe-ferform nang husto as public servant at ayoko na ng high profile.”

So there, brothers!

-MERCY LEJARDE