ISA lang si Ria Atayde sa ayaw na ayaw nitong nalalaman ng publiko kapag may ginagawa siyang tulong sa tao. Paano niya maiiwasan kung may netizens na nagpo-post ng litrato sa kanilang social media accounts? At kung ang mismong taong natulungan ang nagpapasalamat sa good deeds na ginagawa ng ilang artista?

ria

Nu’ng tanungin namin si Ria tungkol sa nakaraang feeding program niya sa may Payatas, Quezon City ay kaagad siyang tumangging magsalita.

Pinadalhan kasi kami ng netizen ng mga litratong naghahain ang aktres ng pagkain para sa mga bata at may poster ng Corazon Foundation and Willing Hearts kaya kaagad naming hinanap ang contact person dito. Kilalang Singaporean ang nasa likod ng foundation na ito at Ramon Magsaysay awardee na hindi naman binanggit kung sino.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“Launching ‘yun, noong nandoon si Ria, August 9. Nagtayo ng kusina para lang sa project na ‘yan. The plan is to feed at least 20,000 students all over Manila and also do medical assistance to sick children,” sabi ng staff ng foundation na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Ginanap ang feeding program sa Justice Cecilia Munoz Palma High School, Molave Street, Payatas B Quezon City.

Araw-araw pala ang feeding program na ang target ay l,000 – 1,300 students ang pinakakain at humingi sila ng permiso sa local government unit.

Pati pala mga Muslim community sa Quiapo ay nakiisa sa feeding program, “Yes in cooperation din ng Muslim community called Korban.

“Na-inspire sila kay Mayor Isko Moreno during his campaign na pakakainin niya ang mga public school students,”paliwanag sa amin ng staff.

Tinanong namin kung bakit kailangan itong isapubliko. Hindi ba’t pag tumulong ka hindi ipinangangalandakan.

“Para mapalawig ang foundation at para sa mga gustong tumulong kasi hanggang ngayon marami pa ring mga batang hindi nakakain ng tama bago pumasok sa eskuwela.

Sa nasabing mga litrato ay naroon ang dating mayor ng Quezon City, si Mr. Jun Simon.

“Yes, si mayor Jun, kasama siya sa Corazon foundation. Ramon Magsaysay awardee ‘yung head ng Willing Hearts Foundation of Singapore,” sabi ng staff.

-Reggee Bonoan