Nagtagpo na ang Committee on Appropriation of the House of the Representatives kahapon upang simulan ang deliberasyon ng mungkahing pambansang budget para sa taong 2020.
Determinado ang Kamara na maiwasan ang pagkaantala tulad ng nangyari noong nakaraang taon nang maaprubahan ng Kongreso ang pambansang budget para sa paglagda ni Pangulong Duterte nito lamang Marso, gayong dapat ay naaprubahan na ito nang Disyembre 2018, upang maumpisahan itong magamit ng pamahalaan kasabay nang pagsisimula nang bagong taon ng 2019.
Ang pagkaantala ay dulot ng sigalot sa pagitan ng Kamara at Senado sa P75 bilyong na pilit umanong isiningit ng ilang kongresista sa budget, malaking halaga na hinihinala ng mga senador na “pork barrel” na para sa benepisyo ng ilang tiyak na kongresista. Tunay na isang hindi magandang pangyayari ang pagkaantala, lalo’t napigil nito ang pamahalaan sa pagpapasimula ng mga mahahalagang programa para sa ekonomiya at lipunan, tulad ng maraming proyektong gawaing pampubliko at pagtaas ng sahod.
Sentro ng away noong nakaraang taon sa Kongreso ang “parking” ng bilyong pondo sa iba’t ibang bahagi ng budget nang walang tiyak na detalye kung paano at saan ito gagamitin. Mayroong nakalistang P54 bilyon para sa “flood mitigation.” May P75 bilyong nakasama sa pondo ng Department of Public Works and Highways, ngunit walang tiyak na binanggit na proyekto.
Partikular na pinaghinalaan ang P75 bilyon; maaari itong ganitin sa anumang proyekto na imungkahi ng ilang kongresista. Ang mga tulad nitong opsyonal na pondo ang idineklarang illegal ng Korte Suprema noong 2014.
Ngayong taon, siniguro ni Budget Secretary Wendel Avisado, na walang “parked” na pondo sa mungkahing budget na isinumite niya sa Kamara nitong Martes. “Every centavo has an identified purpose,” aniya.
Sa pagtuon ng publiko ng atensiyon sa budget ngayong taon, kumpisyansa tayo na hindi natin muling mararanasan ang problema ng nakaraang taon sa mga isiningit na pondo. Inaasahan natin na magiging bukas ang deliberasyon para sa inihaing budget, sa pagsusuri ng mga kongresista, at mga sendor sa mungkahing pondo.
Sa unang pagkakataon umanot ito ng P4.1trilyong para sa budget ng 2020, 12 porsiyentong mas mataas kumpara sa P3.662 trilyon para sa 2019. Kabilang dito ang P1.5 trilyon para sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan, P1.18 trilyon para sa serbisyong pang-ekonomiya, P734.5 bilyon para sa kabuuang serbisyong pampubliko. P451 bilyon para sa utang, at P195.6 bilyon para sa depensa.
Isang magandang simula ay mayroon tayo sa Kongreso ngayon para sa budget. Nawa’y, inaasaahan natin, na natuto na tayo mula sa nagging karanasan natin noong nakaraang taon nang payagan natin ang Gawain ng ilang kongresista na naghahangad na makinabang mulla sa pondo ng budget. Mayroon tayo ngayong bagong Kongreso kaya’t wala na tayong dapat pang aging problemang tulad noong nakaraang taon.