Handa akong magpaloko, basta maipaintindi ko ang role nila’ – Austria

AMINADO si Leo Austria na isang bangungot na trabaho ang maging coach, higit ng star-studded na koponan na tulad ng San Miguel Beer. Ngunit, ang hirap ay naiibsan ng pagpupunyagi sa bawat tagumpay na makamit ng koponan.

AUSTRIA: Nagiging magaling ako sa kanila

AUSTRIA: Nagiging magaling ako sa
kanila

“Kahit alam mong niloloko ka ng mga players, okey lang na magpaloko ka sa kanila, basta ang mahalaga makumbinsi mo silang maunawaan kung ano ang kanilang mga role sa team,” pahayag ni Austria.

Samu’t saring ego, pride at katauhan ng mga players ang araw-araw na kasama ni Austria kung kaya’t higit pa sa pagiging malusog ng katawan ang kailangan, bagkus malawak na pang-unawa para maindintidan ang dandamin ng bawat isa.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

“Terrence Romeo is one of the best shooting guard in the league. Bago napunta yan sa San Miguel ang daming negative, pero unti-unti, ipinakita ko sa kanyang ang kabuuan ng program at plano. After that, he realize na hindi niya kayang maging kampeon kung mag-isa lang siya.

“Naunawaan niya na team work at respeto sa isa’t isa ang kailangan para maging kampeon,” aniya.

Sa isa pang kampeonato ngayong taon, muling nabuhay ang dalangin ng basketball fans na muling makamit ng San Miguel Beer ang Grand Slam.

Hindi maikakaila, ito rin ang nais matupad ni Austria.

“Yun na talaga (grand slam) ang target namin ngayon. Pipilitin talaga namin na manalo uli ng isa pang championship para maka-grandslam,” pahayag ni Austria sa kanyang pagdalo kahapon sa 36th “Usapang Sports” ng Tabloids Organizaiton in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club.

“Wala nang dahilan para hindi mangarap nitong hinihiling sa atin ng karamihan, especially fans ng San Miguel Beer pati na ng management, kundi ang Grandslam.Malaking karangalan ito para sa aming lahat,” dagdag pa ni Austria sa weekly session na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association and HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

“This will be our legacy,” saad pa ng 41-taon gulang na si Austria, na walong ulit ng nagbigay ng korona sa San Miguel simula maging coach nito nung 2014.

Pero tiniyak ni Austria, naging three-time Baby Dalupan “Coach of the Year” awardee mula 2015-2017, na hindi magiging madali ang kampanya nila para sa ikatlong dikit na titulo.

Bilang bahagi ng kanilang paghahanda, nakatakdang lumaro ang San Miguel sa Terrific 12 East Asia Super League sa Macau sa darating na Sept. 17- 22, na kung saan kalahok din ang Talk N Text..

-Edwin Rollon