HANDA at kargado ng kumpiyansi WBO minimumweight world champion Vic Saludar (19-3, 10 KO’s) para sa nakatakdang pagdepensa ng titulo laban sa local star sa bansang tinaguriang ‘Island of Enchantment’.

Saludar

Dumating sa sentro ng Puerto Rico ang pamosong Pinoy champion para sa importanteng pagdepensa laban sa Puerto Rican WBO #1 ranked challenger Wilfredo “Bimbito” Méndez sa Agosto 24 sa Casino Metro Boxing Nights.

Gaganapin ang WBO world title clash – sa produksiyon Puerto Rico’s top boxing outfit PRBBP (PR Best Boxing Promotions) sa pakikipagtulungan ng Spartan Boxing sa Puerto Rico Convention Center at mapapanood ng live sa Puerto Rico sports channel Wapa Deportes.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“We come to Puerto Rico to make a good fight. We are well-prepared after a long training camp to keep my title,” pahayag ni Saludar.

Nakamit ng 28-anyos na pambato ng Polomolok, Cotabato del Sur (dating General Santos City), ang WBO 105 lbs world crown via decision kontra Japanese Ryuya Yamanaka (16-3, 5 KO’s) nitong Hulyo.

Nitong Hulyo, naunang naidepensa ni Saludar ang titulo sa Kobe, Japan kontra nst Nippon warrior Masataka Taniguchi (11-3, 7 KO’s) nitong Pebrero sa Tokyo.

Makakalaban ni Saluda rang 22-year-old local Puerto Rican fighter Wilfredo Méndez (13-1, 5 KO’s), kasalukuyang NABO (North American Boxing Organization) 105-pound monarch.