HINDI kami matapus-tapos ng pagtitipa kahapon dahil kaliwa’t kanan ang tawag at mensaheng natanggap namin tungkol sa isinulat namin dito sa Balita na patungkol kay Morissette Amon, base sa kuwento ng aming source.

Pinalagan ni @jstAF*ckingFan ang mga isinulat namin bilang pagtatanggol naman sa pamilya ni Morissette at hinahamon kaming itanong namin sa aming source ang tungkol sa iniwang malaking halaga ng singer sa magulang niya.

Maglabasan daw ng bank details tungkol dito para magkaalamanan na. Sa pagkakaintindi namin, walang iniwang pera si Morissette.

Kinuwestiyon din ng naturang user ang nasulat naming sinaktan ng ama si Morissette.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Ang sabi sa amin, “Sinaktan issue? Alin do’n ‘yung sampal? Pakisabi po sa source mo na pakikumpleto ng kuwento kung paano umabot sa gano’n. ‘Wag ‘yung dulo lang. Sabihin mo ikuwento ‘yung pinakasimula do’n kamo sa Belo Morato branch (nangyari).”

Nagulat kami sa impormasyong ito dahil walang binanggit ang aming source kung saan at paano nangyari, ang sabi lang, “alam ko pinagbuhatan ni Amay si Mowie.”

Tinext namin ang aming source tungkol sa bagong impormasyong ito mula kay @justAF*ckingFan pero hindi kami sinagot hanggang matapos namin ang balitang ito.

Anyway, mas maganda siguro kung ang mismong ama ni Morissette naman ang tumawag sa amin para magbigay ng kanyang panig para sa balanseng balita.

-Reggee Bonoan