MAY conventional thinker na sumulat tungkol sa pagbili ni Kris Aquino ng Chanel bag. Bakit daw inuna pa ni Kris ang pagbili ng mamahaling bag at hindi na lang itinulong sa mga nangangailangan ang pera.

Ogie, Bimby at Kris

Sa panahon ng ultra judgmental society, ang ganitong kaisipan ang namamayani, wagas ang panghuhusga nang hindi muna nagre-research ng hinuhusgahan nila.

Marami akong alam sa charity works ni Kris, pero kahit naniniwala siya na dapat ipaalam ang ilan para magsilbing halimbawa sa iba pa na may maitutulong, mas makabubuting ibang tao na lang ang magsalita.Isa si Ogie Diaz sa hindi nakatiis na iwasto ang conventional thinking ng nanghusga kay Kris.

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

Naririto ang post ni Ogie:

“Tukoy na tukoy naman, sana, binanggit na lang ni Tita Bibeth Orteza ang pangalan ni Kris Aquino para mas sincere ang peg niya. Although that’s her style sa pagsusulat, kaya we respect that.

“Si Kris, noon pa, ganyan na siya. Wala nang bago diyan. Sabihan mo siyang lukaret, keri lang sa kanya, dahil aminado naman siya, at times, lukaret talaga siya.

“Kaya nga, di ba, sa showbiz, it’s either you love her or hate her. At ako? Aliw ako kay Kris. Consistent siya, eh. So, siya nga ‘yan.

Kahit sabihin pang insensitive siya sa sitwasyon ng ibang tao, may inapi ba siya? And if she realizes na naka-offend siya or naging insensitive siya, aamin siya at magso-sorry naman.

“Inaaliw ang sarili sa gitna ng tensiyon o trahedya. Hindi naman na bago ‘yan sa kaalaman ni Tita Bibeth, lalo na’t mas matagal naman na siya sa industriya.

“Hindi natin alam kung nagpahatid ng tulong si Kris sa Batanes nang ‘di na ipinangangalandakan pa. Basta ang alam ko, noon pa ay matulungin na si Kris at marami akong alam na natulungan niya pero hindi niya ipinangangalandakan.

“Saksi ako, ilambeses na akong lumapit kay Kris para sa mga breast cancert patients namin sa Kasuso Foundation, hindi naman kami nagdalawang-salita.“And for sure, hindi lang sa aming foundation tumutulong si Kris nang hindi na niya ibino-broadcast pa.

“And kunwari, si Kris, i-broadcast niya ang mga tinutulungan niya at kung paano niya ito tinutulungan, matutuwa na ba ang ibang tao? O sasabihin na naman, ‘Sana, Kris, kung sincere ka talagang tumulong, ‘wag mo nang ipangalandakan.’

“So, kung mali na naman ‘yon, ano pa ang puwedeng gawin ni Kris?

“Simple lang, magpakatotoo na lang so long as wala naman siyang ibang tinatapakan o inaaping ibang tao. At ipagpasalamat ni Kris na nakakaapekto pa rin ang presensya niya sa kamalayan ng ibang tao. ‘Yun ang importante.

“Dahil kahit pa ano ang gawin niya sa social media, maglulupasay siya diyan o magtututungayaw, kung wala na siyang kuwenta sa mga tao, wala na talaga.

“Kaya congrats, Krissy! Ramdam ka pa din.”Naririto naman ang tila pasasalamat na reaksiyon ni Kris sa post ni Ogie:

“On purpose, wala pong pino-post sa monthly ‘tithing’ ko, donations sa mga institutions I support, and the people I’ve shared with... In my heart, kung piliin nila to thank me publicly or privately - i am happy... BUT super pleasant affirmation ang post ni Pareng Ogie Diaz.

“Nag-message siya, medyo maraming gulo nu’ng panahon na ‘yun, but it was for a breast cancer fund raising event. I instructed Alvin (Gagui) to kindly prepare the funds & ipadala namin. For me, end of the story na. They didn’t need to know my health problems & financial issues then, because two things struck me, it was for the benefit of women and for those battling cancer. Sobrang nakaukit sa puso ko ang laban nila.

“I am given zero credit for the good I do by people who wish to focus only on what they perceive to be all that’s wrong in me... kaya simple na ang patakaran ngayon ng buhay ko, kung hindi ako kayang tawagan o puntahan ng personal para pagsabihan na, ‘Krisy, mom won’t be happy with what you’re doing” or harapang pakiusapan ng ‘Mama, please don’t do that’ - everything else, the bashing, the trolling, the lies, the lambasting, the holier than thou posturing, all of that is ‘noise’ in a life that’s finally finding HAPPINESS again.

“My FAITH has gotten stronger because the word of God is now my focus... You don’t need to know my day to day health battles, because personal problem ko na ‘yun and my faith believes, my Creator won’t forsake me. And I promised myself, that part of my life will be a private chapter, because my sons deserve for you to see their mom fighting to stay strong and joyful for them. Kaya karapatan kong i-celebrate ang bawat araw na gumigising pa ko.

“I’ll share with you a beautiful verse I read: Ecclesiastes 8:15 NIV So I commend the enjoyment of life , because there is nothing better for a person under the sun than to eat and drink and be glad. Then joy will accompany them in their toil all the days of the life God has given them under the sun.’“Thanks Pare, dahil pinatunayan mo sa ‘kin kung bakit masarap tumulong nang tahimik lang. Kasi kusa naman talagang magpaparamdam ng pasasalamat ang mga nabahagian ng kabutihan.

At ikaw, Ogie Diaz, ang authentic na bongga.

Nagbibigay ka ng boses at panahon para sa isang sitwasyon na hindi mo personal na magiging karamdaman. Saludo ako sa ‘yo... God bless you and yours, always!”

Mahirap sumali sa nauusong panghuhusga ng kapwa, dahil madalas na sa mukha mismo ng judgmental people bumabalik at sumasabog ang panghuhusga nila.

-DINDO M. BALARES