SINIMULAN ng defending champion Go For Gold-Air Force ang kanilang title defense sa pamamagitan ng straight sets  win kontra Lyceum of the Philippines University, 25-11, 25-15-25-18, sa 2019 Spikers’ Turf Open Conference nitong g Martes ng hapon sa Paco Arena.

Nagtala si Madz Gampong ng 10 puntos na kinabibilangan ng 9 na attacks upang pamunuan ang panalo ng Jet Spikers sa opening day victory habang nagdagdag naman si  Ran Abdilla ng 9 na  puntos, 7 digs, at 4 na excellent receptions.

Alex Eala, Francis Alcantara, laglag sa semis ng mixed double tournament ng 2025 SEA Games

Nanguna naman para sa Lyceum si team captain Juvic Colonia na tumapos na may 8 puntos.

Nauna rito, bumalikwas mula sa dalawang sets na pagkakaiwan ang Adamson Soaring Falcons upang mapataob ang Emilio Aguinaldo College Generals, 20-25, 25-18, 21-25, 25-19, 15-12.

Tumapos na topscorer para sa Falcons si George Labang na may 18 puntos galing sa 13 attacks at 5  blocks bukod sa 11 digs. kasunod Gerry Alicando na may 16 markers mula sa 11 hits at 5  blocks.

Sa isa pang laro, tinalo naman ng reigning NCAA champion University of Perpetual Help System Dalta Altas ang Philippine Coast Guard Dolphins, 22-25, 25-16, 25-15, 25-21.

Nanguna si Kennry Malinis para sa Altas sa ipinoste nyang  17 puntos mula sa 11 attacks, 4 blocks, at 2 aces.

-Marivic Awitan