KUMANA ng magkasunod na draw si Super Grandmaster Wesley So nang magdesisyon na makipaghatian ng puntos kay GM Maxime Vachier-Lagrave ng France nitong Lunes sa Round 2 ng 2019 Sinquefield Cup sa Saint Louis, USA.

Kipkip ni So, 25, ang isang puntos matapos ang 43 moves ng Giuoco Piano opening sa event sa 12- player single round robin format.

Nanatiling nasa tuktok ang dating world champion na si GM Viswanathan Anand ng India tangan ang 1.5 puntos.

Tabla ang laban ni Anand kay reigning world champion GM Magnus Carlsen ng Norway, umabot sa 45 sulungan ng Sicilian ang kanilang banatan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Makakalaban ni Imus, Cavite native, So si GM Anish Giri ng Netherlands sa Round 3.

Kaparehong puntos ni dating Philippine Chess Team star So sina Carlsen, Lagrave at Anish.

Ang ibang GM na one pointers ay sina Levon Aronian ng Armenia, Ding Liren ng China, Sergey Karjakin ng Russia, Shakhriyar Mamedyarov ng Azebaijan, Hikaru Nakamura at Fabiano Caruana ng USA. Samantala, nasa ilalim si Russian GM Ian Nepomniachtchi hawak ang 0.5 puntos.