Stags, nakalusot sa Letran Knights
WALANG coach, walang problema sa San Sebastian Stags.

At sa gipitang laban, tunay na maasahan ang tibay ng Recto-based cagers.
Naisalpak ni guard Ken Villapando ang layup may 18.5 segundo ang nalalabi para sandigan ang Stags sa 102-101 panalo sa overtime kontra Letran Knights kahapon sa 95th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Nakuha ni Villapando ang krusyal na baskets matapos magmintis sa sariling jup shot si Letran forward Jerrick Balanza na naging daan para sa fast break play mula sa pasa ni Allyn Bulanadi.
May tsansa pa ang Letran na agawin ang panalo subalit mintis ang three-point shot ni guard Fran Yu, gayundin ang follow-up jumper ni Edson Batiller sa buzzer.
Natuldukan ng Stag ang three-game losing skid para sa 3-3 karta, habang sadsad ang Letran sa 5-3.
Naging ispesyal angpanalo ng Stags dahil naglaro sila na wala ang nasuspinde na si coach Egay Macaraya.
Sa laro, anim na players din ng San Sebastian ang na-foul out, kabilang ang isa sa key player nilang si RK Ilagan.
Nawala ng Stags ang kanilang lamang na umabot hanggang 17 puntos at tuluyang inabutan ng Knights sa fourth period.
Naipuwersa ng Knights ang extension matapos itabla ni Larry Muyang ang iskor sa 91-all mula sa freethrow line, 16.1 segundo ang natitira sa regulation.
May tsansa na sanang tapusin ng Stags ang laban, ngunit mintis ang 3-pointer ni Allyn Bulanadi habang naubusan na ng oras ang Knights upang maka-attempt.
Naging dikdikan na ang laban sa extension at halos nagpapalitan lamang sa trangko ang dalawang koponan hanggang sa agawin ito ng San Sebastian matapos ang isang basket ni Kenneth Villapando mula sa pasa ni Bulanadi na nagsilbing winning goal para sa Stags.
Bago nag graduate dahil sa fouls, nakapagtala pa ng 22 puntos si Ilagan na sinundan ni Bulanadi na may 21 puntos at Alvin Capobres na umiskor ng 19 puntos upang pamunuan ang panalo na pumutol sa kanilang 3- game losing streak at nag-angat sa kanila sa patas na markang 3-3.
“This is for coach Egay,” pahayag ni assistant coach Melo Banua.
“What coach Egay said before our game is to just stick to the game plan. We’ve ben practicing the past two weeks, even if our games were cancelled we continued with our preparation. It actually game us enough time to prepare for this game,” aniya.
Hataw si RK Ilagan sa natipang 22 puntos para sa SSC-R.
Nag-ambag si Bulanadi ng 21 puntos at kumana si Alvin Capobres ng 19 puntos.
“We don’t want to give up, especially on defense. We practice two hours on our defense, so we just applied what we practiced on defense in the five-minute OT,” pahayag ni Bulanadi.
Nanguna sic enter Larry Muyang sa Letran na may career-best 32 puntos.
Kumikig sina Balanza na may 21 puntos, nag-ambag si Yu ng 13 puntos at pitong assists.
-Marivic Awitan
Iskor:
SSC-R (102) – Ilagan 22, Bulanadi 21, Capobres 19, Calahat 9, Dela Cruz 9, Calma 7, Villapando 6, Desoyo 4, Cosari 3, Tero 2, Altamirano 0, Sumoda 0, Loristo 0.
LETRAN (101) – Muyang 32, Balanza 21, Yu 13, Caralipio 9, Batiller 7, Ular 6, Olivario 5, Reyson 4, Ambohot 3, Javillonar 1, Mina 0, Sangalang 0, Guarino 0.
Quarters: 28-18; 46-36; 69-64; 91-91; 102-101 OT.
Mga Laro sa Biyernes
(The Arena, San Juan)
12:00 n.t. -- San Beda vs St. Benilde (Srs)
2:00 n.h. -- SSC-R vs Perpetual Help (Srs)
4:00 n.h. -- Arellano vs Lyceum (Srs)
6:00 n.h. -- Arellano vs Lyceum (Jrs)
Standings W L
San Beda 6 0
Lyceum 6 1
St. Benilde 5 1
Letran 5 3
Mapua 3 5
JRU 3 5
San Sebastian 3 3
Perpetual Help 2 5
Arellano 1 6
EAC 1 6