KAYANIN kaya ng San Miguel Beermen ang isa pang ‘Grand Slam’ sa PBA?

Mula kay SMB coach Leo Austria malalaman ang kasagutan sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids O r g a n i z a t i o n in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.
Muling nabuhay ang usapin hingil sa panibagong ‘grand slam’ ng Beermen nang makamit ang PBA Commissioner’s Cup sa Game 6 laban sa Talk ‘N Text Katropa kamakailan.
Panauhin din sa lingguhang sports forum ganap na 10:00 ng umaga at itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde ang mga opisyal at players ng Team Liyab e-sports team at ang bagong tatag na Community Volleyball Association (CVA).
Inaasahang magbibigay ng kanilang pananaw hingil sa pinakabagong kinahuhumalingang laro sina Team Liyab members Kevin Kio “Gambit” Dizon, Jeremiah “1717” Camarillo, Jervan Lorenzo “Bents” Delos Santos, Lawrence Anthony “Rubixx” Gatmaitan at Miguel Klarenz “Miggie” Banaag Lalaruin sa unang pagkakataon sa 30th Southeast Asian Games sa Manila ang eSports na Dota 2, Mobile Legends: Bang Bang, Tekken 7 at Hearthstone, AoV at StarCraft ll.
Pangungunahan naman ni director Carlo Maceda ang CVA kasama sina tournament director Alvin Tanada at commissioners Salvador Cambay at Watamama Macalanggan.
Kasama rin sina Sylvia Von Giese (Logistics and Liason Head), Dennis Abrina (Media bureau chief), Janine De Ocera (Social Media Head), Grace Gomez (Medical Head) at Jeng Gacula (Marketing).
Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng opisyal at miyembro na makiisa sa programa na mapapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream.