NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Mexican brawler na si Maximino “Max” Flores (24-4-1, 17 KO’s) para sa 12-rounder title match kontra “Too Sharp” Carlo Peñalosa (14-1, 7 KO’s) para sa bakanteng IBO Flyweight World Belt.

Dumating sa bansa nitong Linggo si Flores para makapagsanay at maihanda ang sarili sa klima ng bansa bago ang duwelo kay penalosa sa Agosto 25 na ipalalabas ng live sa ESPN5 Philippines.

Masigasig at determinado si Flores, 28, sa kanyang ikalawang pagkakataon na mapalaban sa Pilipinas.

Hindi malilimutan ni Flores ang huling laban niya sa bansa nang matalo siya nunsod ng insidente ng head butt kontra Milan Melindo sa Bacolod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kanyang pagbabalik, nagpahayag ng kumpiyansa ang Mexican mula sa Ensenada, Baja California, para makuha angh titulo.

Ang Peñalosa vs Max Flores duel ay sa pagtataguyod ng Gerry Peñalosa’s Gerrypens Promotions, sa pakikipagtulungan ni Cathrina Gayos at ESPN5 Philippines