NAGPAMALAS ng bilis at lakas ng mga bigwas si Prince Albert Pagara para madaling tapusin ang duwelo kontra knockout artist Ratchanon Sawangsoda ng Thailand nitong Sabado sa main event ng Pinoy Pride 46 sa Ormoc City.

PAGARA: Simbilis ng kidlat.

PAGARA: Simbilis ng kidlat.

Pinabagsak ni Pagara si Sawangsoda ng apat na ulit sa unang round, sapat para itapon ng Thai camp ang putting tuwalya bilang pagsuko may 2:53 ang nakalipas sa unang round.

Bunsod ng panalo, nahila ni Pagara ang career record sa 32-1, tampok ang 23 KOs, habang bagsak ang karta ni Sawangsoda sa 12-4. Pawang KO ang apat na kabiguan ng Thai.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay ALA head trainer Edito Villamor, ipinakita ng pambato ng Maasin City na nagbabalik na ang kanyang porma at determinasyon na posibleng makapagbigay sa kanya ng pagkakataon na muling lumaban sa world championship.

Posible umanong lumaban ang 25-anyos sa title eliminator para makuha ang pagiging mandatory challenger sa world title. Kasalukuyang No.3 contender si Pagara sa WBO super bantamweight ratings, sa likod nina No. 1 Marlon Tapales at No. 2 Juan Miguel Elorde. Ang kasalukuyang kampeon ay si Emanuel Navarrete ng Mexico.

Magaan din ang panalo ni ALA Gym stablemate Jeo Santisima, kasalukuyang WBO No. 7 super bantamweight contender, kontra Indonesian Alvius Maufani via TKO sa first round.

Pinatigil ni Santisima si Maufani may 1:49 sa first round para mahila ang karta sa 18-2, tampok ang 18 KO.

Sa supporting bouts, nagwagi si Jonas Sultan via TKO kontra Salatiel Amit sa seventh round, habang kumana si Melvin Jerusalem ng KO sa 7th round kontra Reymark Taday.