BINAWIAN n g buhay a n g a n t i - mining, environment activist at dating Department of Environment and Natural Resources Secretary na si Regina “Gina” Lopez kahapon, sa edad na 65, kinumpirma ng ABS – CBN.

Gina

Ayon sa ilang media reports, ang ikinasawi ni Ms. Gina ay brain cancer.

Si Lopez ay naging kalihim ng DENR noong 2016.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maikli ang kanyang panunungkulan sa DENR dahil ni-reject siya ng Commission on Appointments (CA) noong 2017.

Sa kanyang maikling panungkulan sa ahensiya, 12 sa oposisyon ang naghain apela sa CA laban kay Lopez hinggil sa pagsara at suspensiyon ng mining operations.

Kinansela rin ng dating kalihim ang mga kontrata ng 75 mining companies. Matapos ng kanyang panunungkulan, siya ay pinalitan ng kasalukuyang DENR Sec. na si dating Armed Forces of Philippines (AFP) Chief Roy Cimatu.

Bago naging kalihim ng DENR si Lopez, ilang civic works ang kanyang inilunsad, naging yoga missionary at managing director din siya ng ABS-CBN Foundation at hotline Bantay Bata 163, at ginawaran ng excellence award ng United Nations.

-Jun Fabon