KASANGGA!

Ni EDWIN ROLLON

PAGKAIN sa lamesa at mistulang dugong bumubuhay sa pamilyang Pilipino, kabilang na ang sektor ng Sports, ang buwanang tulong pinansiyal na nagmumula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

NILINAW ni PAGCOR chairman Andrea Domingo (gitna) ang mga isyu hingil sa operasyon ng Casino at POGO na aniya’y may malaking naitutulong sa paghahatid ng serbisyo sa sambayanan, kabilang ang sektor ng mga atleta at Philippine sports sa kabuuan sa kanyang pagbisita sa ‘Pulong Bulungan’ ng National Press Club.

NILINAW ni PAGCOR chairman Andrea Domingo (gitna) ang mga isyu hingil sa operasyon ng Casino at POGO na aniya’y may malaking naitutulong sa paghahatid ng serbisyo sa sambayanan, kabilang ang sektor ng mga atleta at Philippine sports sa kabuuan sa kanyang pagbisita sa ‘Pulong Bulungan’ ng National Press Club.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iginiit ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo na ang bilyong pisong kinikita ng ahensiya mula sa pinangangasiwaang Casino at lisensiyadong Philippine Offshore Gaming Operators  (POGO) ang siyang ginagamit na ayuda para sa pagpapagawa ng mga eskwelahan, pagsasaayos ng mga ospital at iba pang institusyon sa bansa.

Higit sa lahat, buhayin ang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) at siguruhing matutustusan ang pagsasanay at paglahok sa international competition ng mahigit 1,000 atletang Pinoy.

“Lahat ng sektor na mandato naming tulungan ay napaglilingkuran namin. We’re not remiss in our duty. Nagre-remit kami sa PSC ng P159 milyon monthly. Since 2016 about P4 bilyon ang naibibigay namin. And recently, PAGCOR released P842 million to use for the rehabilitation on two major sports complex – The Rizal Memorial Sports Complex in Manila and the Philsports Center in Pasig City, in time for the hosting of the 30th Southeast Asian Games in November” pahayag ni Domingo kahapon sa ‘Pulong Bulungan’ ng National Press Club (NPC).

May hiwalay na budget na hindi bababa sa P200 milyon ang PSC mula sa General Appropriation (GA), ngunit ang monthly remittance ng PAGCOR ang siyang ginagamit ng sports commission para punan ang montly allowances ng mga atleta, pansuweldo sa mga foreign coaches at trainors, pambili ng equipment, gayundin ang gastusin sa pagsasanay at pagsabak sa kompetisyon abroad, tampok ang SEA Games, Asian Games at Olympics.

Sa kasalukuyan, ang atletang kabilang sa ‘elite line-up’ at tumatanggap ng P40,000 allowances kada buwan, habang yaong mga nasa national training pool at may ayudang hindi bababa sa P4,000 kada buwan.

“Aside of helping the PSC’s financial burden, PAGCOR also supports other sports organization and even individual athletes likes in taekwondo, bowling., Mixed martial arts and more,” pahayag ni Domingo.

Iginiit din ni Domingo na mula rin sa PAGCOR ang ibinibigay na ‘cash incentives’ para sa mga atletang nagwawagi ng medalya batay sa ‘Athletes Incentives Act’ , kabilang ang mga Para athletes batay sa naamyendahang batas na isinulong ni Senator Sonny Angara.

“Ipinapaubaya namin sa PSC ang pagbibigay ng cash incentives sa ating mga atleta, but the funds also come from PAGCOR,” aniya.

Batay sa ‘Athletes Incentives Act’, ang magwawagi ng gintong medalya sa Olympics ay tatanggap ng P5 milyon, P2.5 milyon sa quadrennial World Championship, P1 milyon sa Asian Games at P100,000 sa Southeast Asian Games.