MASOLO ang liderato sa pamumuno sa Group A ang tatangkain ng Marinerong Pilipino sa pagsabak kontra sa baguhang Asia’s Lashes sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Sasalang ang Skippers sa ikalawang laro ganap na 3:30 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng Technological Institute of the Philippines at Alberei sa pambungad na laban ganap na 1:30 ng hapon.

Kasalo ng Marinero ang CEU Scorpions na kasalukuyang hawak ang parehas na markang 3-0.

Hindi naman nalalayo at nakabuntot lamang sa kanila ang makakatunggaling Asia’s Lashes na may 2-1 karta.

Huling tinalo ng Skippers ang AMA Online Education, 91-82, nitong Agosto 8, habang kababalik pa lamang sa winning track ng Asia’s Lashes matapos mabigo sa ikalawa nilang laro nang padapain ang Naitalk-Savio, 77-62, nitong Agosto 12.

Ateneo, nanawagang itigil na pag-atake sa kanilang student-athletes, managers

Pinapaboran naman sa unang salpukan ang Engineers kontra sa makakatunggaling Alberei na hindi pa nagwawagi matapos ang unang tatlong laro.

Samantala sa huling laban magtutuos naman ang McDavid-La Salle Araneta at ang Hyperwash na parehas naghahangad na umangat mula sa buntot ng Group B standings.

-Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

1:30 n.h. -- TIP vs Alberei

3:30 n.h. -- Asia’s Lashes vs Marinerong Pilipino

5:30 n.h. --McDavid-La Salle Araneta vs Hyperwash