BIGO si Nikko Huelgas na makumpleto ang ‘three-peat’ sa men’s triathlon ng Southeast Asian Games.

Sa opisyal na line-up ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) para sa 30th edisyon ng biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre, hindi kabilang ang beteranong kampeon.

HUELGAS: Out sa SEAG line-up.

HUELGAS: Out sa SEAG line-up.

Ilalaban ng TRAP ang sumisikat na sina Kim Remolino at John Chicano sa individual men’s event kung saan back-to-back champion si Huelgas.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Walang opisyal na pahayag na ibinigay si TRAP president Tom Carrasco hingil sa pagkakasibak ni Huelgas sa men’s individual event.

Ngunit, iginiit ni Carrasco na may tsansang makakuha ng medalya ang 28-anyos na si Huelgas, sakaling mapabilang ito sa three-player mixed relay team na lalaruin sa unang pagkakataon.

Nasa listahan din ng pagpipilian sina Chicano, Fer Caceres, Kim Mangrobang, Kim Kilgroe at Claire Adorna.

“Decision on final entry of mixed relay team is one day before the event according to the International Triathlon Union,” sambit ni Carrasco.

Sa edad na 19, lumikha ng pangalan si Remolino sa sports nang pangunahan ang dalawang SEA Games qualifying races ngayong taon: ang  Subic Bay International Triathlon 2019 nitong Abril at 2019 Gyeongju ASTC Asian Triathlon Championships nitong Hunyo sa South Korea.

Bumuntot sa kanya ang 28-anyos na si Chicano sa dalawang torneo.

Nabigo naman si Huelgas na makapasok sa podium sa naturang torneo. Nitong Enero, nagtamo siya ng injury sa kamay bunsod ng aksidente sa bisikleta na naging dahilan nang kanyang pamamahinga sa loob ng dalawang buwan.

Ibibida naman sa women’s team sina reigning SEAG champion Kim Mangrobang at

Kim Kilgroe.

Sasabak naman sa duathlon sinaf Doy Comendador at Jarwyn Banatao  sa individual male, at Monica Torres at Jelsie Sabado sa ndividual female.

Nasa mixed relay sina Comendador, Joey delos Reyes, Ephraim Inigo, Torres, Sabado at Pawee Fornea.

Kasama naman sa reserve sina Karen Manayon at Mark Hossana sa triathlon, at Alex Ganzon sa duathlon. Kristel Satumbaga