SA kabila ng isyung injuries sa key players ng Serbia at Italy, inamin ni coach Yeng Guiao na mabigat ang hamomn na kailangang lagpasan ng Gilas Pilipinas sa Group D ng FIBA World Cup.

Posibleng hindi makalaro sa Serbia ang star player na si guard Milos Teodosic sa group matches sa Foshan, China matapos magtamo ng foot injury sa exhibition match kontra Lithuania.

pba

Sasailalim naman sa appendectomy si NBA cager Danilo Gallinari ng Italyat malabong makasama ito sa koponan sa laro laban sa Gilas sa

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

World Cup opener sa Aug. 31.

Malabop na rin sa Italy si center Nicolo Melli dahil sa injury sa tuhod.

Sa kabila nito, inamin ni Guiao na katiting lang ang epkto nito sa line-up ng dalawang European team.

“In some ways that’s good for us, but those teams are so deep,” pahayag ni Guiao.

“I don’t think the reason malakas ang Italy, for example, is only because of Gallinari kasi yung next in line naman kay Gallinari is kung di man NBA player yan, Euroleague player din yan e.”

“So maybe it helps jus a little but, but the next guy after Gallinari is maybe not as good but very close to what he can do,” aniya.

“So di pa rin natin pwedeng sabihin na nag-iiba yung odds. I don’t think the odds will change.”

Kailangan ng Gilas na makasingit sa top 2 sa Group D para makausad sa second round ng World Cup.

Iginiit ni Guiao na mababa ang porsiyento na makasilat sa Serbia, ang koponan na itinuturing katapat ng defending champion US, subalit may magandang laban ang Gilas laban sa Italy.

Samantala, ginapi ng Serbia ang Italy, 96-64, nitong weekend sa exhibition game sa Acropolis Tournament sa Athens, Greece. Jonas Terrado