KUMPIYANSA si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham "Bambol Tolentino na makapagbibigay ng medalya para sa target na overall championship ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games ang contact sports.

Naniniwala si Tolentino na sa mga sports na taekwondo, jujitsu, karatedo, judo, boxing, muay, kickboxing, pencak silat, wrestling, wushu, kurash, sambo at arnis, nakasalalay ang muling dominasyon ng bansa sa biennial meet.

TOLENTINO: May laban ang PH team sa contact sports.

TOLENTINO: May laban ang PH team sa contact sports.

Sa mga nabanggit na sports, maraming gintong medalya ang nakataya, tampok ang taekwondo na may 22 events, habang ang arnis na siyang  national sport ng bansa, ay may nakatayang 20 gintong medalya, habang tig-16   judo at wushu , at may 13 sa boxing at 11 sa jujitsu.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Kumpiyansa ako na this will be our best finish after the previous campaign sa SEA Games. I think we'll make it to  No.1 or worst third overall," pahayag ni Tolentino.

Huling nakamit ng Pilipinas ang overall championship sa nasabing biennial meet noong 2005 SEA Games na ginanap din sa Manila.

Makalipas nito, napako na sa ikalima hanggang ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kampanya nito sa 11-nation meet. Sa 2013 edisyon sa Laos, tumapos ang Koponan sa ikapito.

Ngunit, katulad ng pananaw ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez, alam ni Tolentino na tanging ang mga pinuno lamang ng mga Natonal Sports Association (NSAs) ang makapagsasabi kung anong antas ang kakayahan ng mga atleta sasabak dito.

Sinabi rin ng Tagaytay Congressman at pinuno ng Philcycling na hindi rin maaring tawaran ang galing mga Pinoy pagdating sa mga sports na  athletics, archery, baseball, basketball, billiards, bowling, traditional boat racing, chess, cycling, dancesport, duathlon at fencing at isama pa dito ang mga sports na golf, gymnastics, ice hockey, rugby sevens, sailing, sepak takraw, softball, surfing at weightlifting  kung saan sasabak si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz.

Dahil dito, kumpiyansa ang bagong POC chief na mapagtatagumpayan ng atletang Pinoy ang target na overall champioshio sa biennial meet na nakatakda sa Nobyembre 20 hanggang Disyembre 11.  Annie Abad